Saturday, December 29, 2007

Ate Mae

Early this year, na-assign ang utol ko na mag-duty sa regional medical center sa amin sa Central Mindanao.

Lima yata sa kanilang magkakaklase ang magkakasama sa ospital bukod sa mga grupo galing sa ibang nursing school.

Doon niya nakilala si Ate Mae, isang estudyante sa ibang school. Pareho sila ng shift.

Normal lang daw sa unang tingin ang tinatawag nilang Ate Mae. Medyo maliit siya ng konti at stocky ang katawan. May suot siyang makapal na eyeglasses. At lagi siyang may dalang mahabang payong kapag pumapasok.

Isang araw, pauwi na ang utol nang biglang bumuhos ang ulan. Nagpatila siya sa tapat ng entrance ng ospital. Saktong lumabas si Ate Mae at nag-offer na isabay na siya. Kasya naman silang dalawa sa malaking payong na dala niya. Doon nagsimula ang pagbabatian nilang dalawa sa ospital.

Pero may napansing kakaiba ang utol ko sa tinatawag nilang Ate Mae. Minsan daw, naglalakad sila sa hallway, nang bigla siyang huminto at hinawakan sa braso ang utol ko.

Dahil nagulat sa pangyayari, huminto rin sa paglalakad ang utol ko.

“Bakit?” pagtatakang tanong ng utol ko. Inisip niya na baka may nalimutan lang na gamit si Ate Mae sa room na pinanggalingan nila

“May dumadaan,” sagot daw sa kanya ni Ate Mae pagkatapos gumilid.

Kinilabutan ang utol ko. Walang ibang tao sa hallway bukod sa kanilang dalawa.

“Ate, ’wag ka namang magbiro ng ganyan!” sigaw ng utol ko.

Ilang segundong no reaction lang ang kausap niya. Tas biglang magsasabi ng “Pwede na.” as if may nakadaan na nga sa harap nila.

Maraming beses na nangyari ang ganoon. Biglang hihinto si Ate Mae at tatabi sa gilid na parang may makakasalubong na tao pero wala naman. Dahil halos lagi silang magkasama, ang utol ko ang napagdidiskitahan ng mga ibang nurse at intern na kasama nila sa area. Matigas naman ang pagtanggi ng utol ko na wala siyang alam. Kahit pati siya ay nawi-weirduhan na sa ikinikilos ni Ate Mae.


Halos dalawang linggo na silang naka-duty sa ospital nang may mangyaring insidente sa lugar namin. Isang tindahan sa may terminal ng bus ang sumabog. Grabe ang casualty. Karamihan sa mga biktima ay isinugod sa ospital nila. Siguro aabot ng tatlumpu katao ‘yun, tantiya ng utol ko.

Isa sa mga biktima ang binawian ng buhay. Isang limang taong gulang na bata. Ang kapatid nitong babae na mas matanda sa kanya ng dalawang taon ay kasama sa mga nasa kritikal na kondisyon.

Laging nagpupunta si Ate Mae sa ward ng mga biktima ng pagsabog. Kahit pagkatapos ng shift niya. Binibisita niya pala ang batang babae. Hindi naman nagtaka ang utol ko dahil naisip niyang mahilig sa bata si Ate Mae.


Isang gabi, isang grupo ng mga intern na katatapos lang yatang mag-rounds ang kumaripas ng tumakbo pabalik sa nurse station. May narinig daw silang boses ng batang tumatawa nang maglakad sila sa tapat ng CR malapit sa radiology room. Sarado na ang radiology room nang mga oras na iyon. Sinilip nila ang CR pero walang tao.

Hindi pala iyon ang unang beses na may naramdaman sa area na iyon. May guwardiya na kakalabas lang ng CR ang dumaan sa harap ng radiology room.

Nakatalikod na raw siya nang may narinig niyang kumalabog ang pintuan ng radiology room. Pagkatapos, may narinig siyang click na parang may pumindot sa lock ng doorknob.

Nagulat ang guwardiya at bumuwelta sa radiology room. Nang i-check niya ang entrance, naka-locked ang pinto.


Magsisimula pa lang ang shift ng utol ko sa madaling-araw nang makasalubong niya sa hallway si Ate Mae.

“Sabay na tayo,” nakangiting bati sa kanya.

Nahihiya namang tumanggi ang utol ko.

Nagkuwentuhan sila habang naglalakad nang biglang huminto si Ate Mae.

“Saglit,” bulong niya sa utol ko at hinawi ang katawan niya para gumilid din siya.

“Ano ba ‘yon?” usisa ng utol ko. Pinilit daw talaga niyang magpatay-malisya.

“May dumadaan,” sagot sa kanya ni Ate Mae.

“Ayan na naman!” hintakot ng utol ko.


Out of the blue, ikinuwento ni Ate Mae sa utol ko ang sikreto niya. May pagka-psychic pala si Ate Mae. Kahit noong bata pa siya, nakakakita na siya at nakakausap ng mga espiritu ng mga namatay na tao.

Itinanong ng utol ko sa kanya kung ano ang itsura ng mga nakikita niya. Baka naman namamalikmata lang siya.

Aakalain mo raw na mga totoong tao ang mga espiritu. Pero translucent ang katawan nila. Madalas na nakalutang ang mga talampakan nila mula sa lupa. Saka wala silang mukha.


Sabi ni Ate Mae, pagala-gala sa hallway ang kaluluwa ng batang nasawi sa pagsabog. Hindi pa raw alam ng bata na patay na siya. Simula nang dalhin ang mga biktima sa ospital nila, nakikita na niyang palakad-lakad ang bata sa ospital. Minsan naglalaro mag-isa.

Napansin ng bata na nakikita siya ni Ate Mae. Kinausap siya ni Ate Mae at pinuntuhan ang kapatid nitong babae na nakaratay pa rin sa ward.


Isang araw, nadatnan ng utol ko si Ate Mae na nakaupo at pilit na ipinipikit ang mga mata.

Niyugyog siya ng utol ko at tinanong niya kung anong nangyayari.

Ito ang sabi sa kanya ni Ate Mae:

May kaluluwang nakalutang sa itaas ng ulo niya. Sunug na sunog daw ang balat nito. Sumasayad ang mga talampakan nito sa ulunan niya.

Hindi alam ng utol ko kung naapektuhan lang siya sa sinabi sa kanya ni Ate Mae pero may naamoy siyang parang nasusunog.

Kuwarto

Nangyari ang kuwentong ito noong nakatira pa kami sa isang bahay sa Sampaloc, Manila. May isang room sa dati naming bahay na ayaw na ayaw daanan ng mga katulong. Ito ang kuwarto ng kuya ko.

Para makarating sa laundry room kailangang daanan ang kuwarto ni kuya. Nagsimula ilang buwan pagkatapos mawala ni kuya sa amin. Nagpakamatay siya ilang araw bago siya mag-celebrate ng kanyang 20th birthday.

Si kuya ‘yung tipong extrovert. Hindi siya mahilig gumimik. Actually, wala akong natandaang barkada na dinala niya sa bahay. He was more into books. Pero hindi basta libro. Mga weird stuff like occult books. May mga tools rin siya for witchcraft tulad ng mga herbs at black candles.

Isang araw, umuwi raw ng maaga si kuya. Tuluy-tuloy siya sa kuwarto niya. Hindi na nananghalian. Akala ni mommy pagod lang siya at nakatulog. Pero mga 8pm na hindi pa siya lumalabas ng kuwarto. Kaya inutusan ni Mommy ang katulong para katukin siya.

Bumalik ang katulong at naka-lock daw ang pinto ni kuya. Nag-alala na si mommy. Nasa sala ako noon at nanunuod ng TV. Tinawag niya ako. Right then and there kinabahan na ako. Kitang-kita sa mukha ni mommy ang nerbiyos niya. Pati boses ng katulong tipong iiyak na rin.

Pinuntahan namin ang kuwarto ni kuya. Kinatok ko siya. Pinihit ko nang ilang beses ang door knob; naka-locked. Tinatawag namin ang pangalan niya pero walang sumasagot. Nilakasan ko ang katok ko pero wala pa rin. Idiniit ko ang tainga ko sa pinto. Tumutugtog ang component niya.

Sinabi ko kay mommy na kailangan nang puwersahin ang pinto. Bumalik ako dala ang screwdriver at tinungkab ko ‘yung door knob. Pagbukas namin ng pintuan, doon namin nakita si kuya. Ibinigti niya ang sarili niya sa bakal ng bintana gamit ang sarili niyang sinturon.


Ginawa naming bodega ang kuwarto ni kuya pagkatapos niyang ilibing. Naging mahirap iyong recovery stage. Nakapagpalit na kami ng katulong pero hindi pa rin maiwasan ni mommy ang bigla na lang matulala at humagulgol nang walang kaabug-abog.

Isang araw, papunta ang bagong katulong sa laundry room dala ang basket ng mga labahin. May narinig daw siyang biglang kumalabog sa loob ng kuwarto ni kuya. Kinilabutan siya pero inisip niya na pusa lang ‘yon kaya dumiretso siya sa laundry room at ipinagpatuloy ang trabaho. Nang mag-aahon na siya ng mga damit mula sa washing machine, bigla raw siyang may nakitang aninong dumaan sa tapat ng pintuan ng kuwarto ni kuya. Kakabog-kabog ang dibdib, sumilip siya sa labas. Pero siyempre walang tao dahil asa school ako at natutulog noon sa sala si mommy.

Hindi pa alam noon ng bagong katulong ang nangyari sa kuwarto ni kuya. Kaya nang magising si mommy, ikinuwento niya ang experience niya. Takut na takot daw siya nang sabihin ni mommy sa kanya na nagpakamatay si kuya sa kuwarto.

Hindi doon natapos ang mga pagpaparamdam sa kuwarto. Nasanay na ako sa mga kuwento ng katulong kapag umuuwi ako galing school. Minsan bigla na lang daw gagalaw ang motor ng washing machine kahit wala namang gumagamit. Minsan may maririnig na sumusutsot. Minsan may mga mawawalang gamit. Hanap kami ng hanap; halos baliktarin na namin ang bahay pero hindi namin makita. Tas biglang makikita iyon sa laundry room.

Kapag maglalakad ka sa tapat ng kuwarto ni kuya, paninindigan ka ng balahibo. Medyo malamig ang lugar at saka mahina pa ang lighting. Bumbilya lang ang ginagamit na ilaw sa laundry room. Madalas pang mapundi. Sabi ng katulong, may mga panahon daw na kikisap-kisap ang bumbilya sa laundry room. At kapag nangyari iyon, iniiwan niya talaga ang nilalabhan niya at tatakbo sa sala sa sobrang takot.

Hindi nagtagal, bumalik sa probinsiya niya ang katulong at nakahanap kami ng bago. Ipinalinis agad ni mommy ang kuwarto ni kuya. Ilang sandali lang, lumapit ang katulong kay mommy at putlang-putla. May kumakalabit daw sa kanya habang naglilinis siya sa loob ng kuwarto. Pero wala namang tao.

Bukas yata ang third eye nung katulong. Kasi isang gabi, nang papunta siya sa laundry para plantsahin ang mga natuyong damit, pinuntahan daw niya ang kuwarto ni kuya. Hindi raw niya maintindihan pero parang may tumawag sa kanya; may nagsabi sa kanya na pumasok sa loob. Pag-apak niya sa loob, may nakita raw siyang anino ng lalaki sa tapat ng bintana. Bigla raw itong gumalaw nang mapansin niya. Parang biglang umalis.

Ipina-blessing namin ang kuwarto ni kuya. May nakapagsabi rin sa amin na kailangang sunugin lahat ng mga gamit niya. Baka malakas pa raw ang kapit ni kuya sa mga gamit niya lalo na sa mga gamit niyang pang-occult. Nang ayusin namin ang kuwarto, doon lang namin nakita ang sinturon na ginamit ni kuya pambigti, naka-plastik pa ito at nakatago drawer sa ilalim ng aparador niya. Isinama namin ito sa susunugin.

Ibinenta namin ang bahay at lumipat kami sa Pasig. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ginawa ni kuya ang bagay na iyon, isang araw bago siya mag-birthday. Parang unfair kasi hindi niya sinabi sa amin ni mommy kung may problema siya. Itinabi lang niya sa loob.

Thursday, December 27, 2007

Memory Box

When I was in highschool, I had a recurring dream. Tumatakbo raw ako sa isang mabatong field. Masyadong madilim. Wala akong makitang kahit na anong source of light sa harapan ko. Pero when I tried to look down kung saan ako tumatakbo, parang may flashlight na nakatutok sa dinadaanan ko.

I remember I was wearing white stilletos pero nararamdaman ko sa talampakan ko ‘yung galas ng tinatakbuhan ko. Parang nilalaslas ng mga mapupurol na bato ang mga paa ko pero, at the same time, I felt numbed. I also remember ‘yung suot ko. I surmised naka-wedding gown ako kasi kumikislap ‘yung mga sequence at lace habang nagmu-move forward ang bawat binti ko.

Huminto ang dream when I went to college. I thought my subconscious was just telling me something kasi the dreams started around the time na na-confirm namin ng Mom ko na nambababae si dad. When we followed him isang Sunday na nagpaalam siya na may lakad siya kasama ang business partner niya.

Na-retain sa isip ko ‘yung mukha nung girl nang harapin siya ni Mom. Tiklop-labi lang yung babae ni dad habang nagtatatalak si Mom sa harap nilang dalawa. It seemed na na-trap siya sa relasyon at helpless din siya sa sitwasyon.

Bumalik ang panaginip na iyon noong sagutin ko si Will. I was in 3rd year college. Will was my first boyfriend. I admit I trusted him too much. After a few months, nalaman ko na lang na buntis ako.

Siguro naghalu-halo na yung pressure ng early pregnancy, na out of wedlock ito, at kung ano ang mangyayari sa future ko lalo na sa studies ko kaya bumalik ‘yung dream. Hindi pumayag si Mom na ipakasal ako kay Will. Si Dad naman okay lang daw. Ayusin na lang daw namin ang wedding after ko manganak.

Masyadong naging mabilis ang pangyayari. Noong 8th month ng pregnancy cycle ko, we discovered na mahina ang kapit ng bata. Regular naman kasi ang inom ko ng mga vitamins. Maybe it was the fear that was eating me since highschool.

Nagpa-check kami sa private hospital na iyon sa Manila at nag-advise ang doktor na i-admit ako agad para isailalim sa observation.

My Mom decided na ilipat ako sa government hospital. Pero hindi pumayag ang ospital. Sabi nila, kinausap daw ng admin ng ospital kung saan ako na-admit ang admin ng government hospital kung saan ako dapat ililipat, at sabi ng una, okay na raw na mag-stay ako muna.

After 4 days, sinabi na lang nila na wala nang heartbeat ang baby sa tiyan ko. I don’t know. May ibinigay yata sa aking medicine na hindi nakayanan ng baby. Hindi rin siya pumayag na operahan ako agad para tanggalin ang baby. Gusto nila by natural method daw. Mas mahal daw kasi kung caesarean section ilalabas ang bata.

That night, I slept with a dead baby on my stomach. Napanaginipan ko na naman na tumatakbo ako wearing the same white dress, wearing the same shoes. Kinilabutan ako. Napansin kong may tumutulong likido sa white dress na suot ko. Dugo! May tumutulong dugo.

Bigla akong nagising. Lalo akong pinanindigan ng balahibo. Patay ang ilaw sa ward. At parang ako lang mag-isa ang naroon. Inisip ko na lang na tulog lahat ng mga pasyente sa mga katabi kong kama pero sinasabi rin ng isip ko na imposibleng walang tao sa area na iyon.

Dahan-dahan akong bumangon. Para bang may nakadagan sa katawan ko. Tinanaw ko labas ng malaking pintuan. Pader lang ang nakita ko at kaunting liwanag. Sobrang tahimik ng silid na iyon.

Ramdam na ramdam ko talaga ang kabog ng dibdib ko habang nag-aabang ng kung ano sa pintuan. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.

Nang may makita akong aninong kumilos mula sa kaunting liwanag. Palaki nang palaki ang anino. Ilang sandali pa, sumilip ang isang babaeng naka-uniform ng nurse.

Inisip ko na naka-duty ang nurse na iyon nang gabing iyon. Maliit lang siya. Medyo balingkinitan. Naaninag ko lang sa konting liwanag ang suot niyang uniform. Nakapagtataka lang dahil nanatili siyang nakatayo sa tapat ng pintuan na parang may sinisilip sa ward. Tatawagin ko sana siya at tatanungin kung bakit nakapatay ang ilaw. At kung nasaan ang ibang tao. Pero bigla siyang nawala.

Nahiga ako ulit sa sobrang sakit ng katawan ko. Sa dilim, tinitigan ko ang tiyan ko, ang patay na baby sa tiyan ko. Hindi kami agad nagpa-ultrasound ni Will kaya nalaman lang namin sa huling check-up namin sa doktor na babae pala baby.

Madali rin akong nakatulog. Nanaginip ako ulit. I was running, running again from something or someone I don’t know. Nang biglang may narinig akong boses. “Mercy,” bulong niya. “Mercy…” Sobrang soft ng voice na parang sipol lang siya ng hangin.

Habang tumatakbo ako, palakas nang palakas ‘yung boses. “Mercy… Mercy…” Sigurado kong iyon ang pangalang lumabas sa panaginip ko. Natandaan ko talaga siya.

Umaga na nang magising ako. I was prepped for an operation. Tinanggal na ang patay na baby sa tiyan ko.

Bago ako ilabas ng ospital, napansin ko iyong isang area sa Outpatient. Memory Box ang nakasulat. Kasama ko noon si Will and I asked him na ilapit ako sa area. Isang box ang inilagay nila roon. Pagsilip ko sa loob ng box, marami akong nakitang mga bagay. Mga stuffed toys, laruan ng bata, baby clothes, at kung anu-ano pa.

Isang nurse ang nag-explain sa akin na ang memory box pala ay isang lagayan ng memorabilia ng mga buntis na namatayan ng baby bago sila manganak. Way ito para makapag-cope up sila at ang pamilya nila sa incidences ng still birth.

Nagulat din ako dahil sa isa pang sinabi ng nurse. Isang dating nurse daw na nagnangalang Mercy Pascual ang nakaisip maglagay ng memory box sa ospital. Pero na-install lang ito after a few days na mamatay si Mercy sa isang car accident.

Is it possible na siya ang nurse na nakita kong nakatayo sa tapat ng pintuan noong gabing magising ako na madilim at walang katau-tao sa ward? Baka sinusundo niya noon ang patay na baby sa tiyan ko. O baka kino-console ako na ayos lang mawalan ng anak at nangangako siya na siya ang mag-aalaga sa baby na hindi ko nakayanang ilabas nang buhay.

Haunted Motel

To most people, work of fiction ang mga ghost stories. Hindi na lang ito basta figment ng imagination. Manifestation din ito ng mass hysteria.

I just tell my stories. But I am not insisting that you believe me. Some things happen in this world that we can’t explain dahil wala tayong sapat na resources.


Isang araw, naabutan kong online sa instant messenger si Mama Jen. Batchmate ko siya sa call center sa Makati where I worked before. Siyempre umaatikabong kumustahan ang naganap.

Nabanggit ko sa kanya na nagsa-sideline akong magsulat ng mga ghost stories.

“True stories ba sinusulat mo?” usisa niya.

I told her, yes.

“Maniniwala ka?” biro ko sa kanya.

“Hindi,” sagot niya.

I made it clear to her na hindi rin ako naniniwala. Na nagri-research din ako at nagtatanong sa mga kakilala. At kapag may encounter ako, hindi ako natatakot. So mahina na imagination ko lang ang mga iyon. Kaya bukas ako sa ganitong usapin.

Bigla kong naikuwento kay Mama Jen ‘yung nangyari sa akin sa isang motel a month ago lang.

Nagbiyahe ako sa isang province south of Manila. May sinadya akong tao para sa research ko.

Nag-stay kami overnight sa isang sikat na motel doon na located malapit sa isang malaking grocery at statue ng manok.

Isang room sa third floor ang ibinigay sa amin. Halos katapat lang ng elevator ang kuwarto. Nilibot ko ang buong floor at walang tao sa corridor maliban sa isang empleyado na naglalabas ng mga gamit na bed sheet sa mga bakanteng kuwarto.


Madaling-araw na noon nang mag-decide kami ng kasama ko na mag-lights off. Magkaibigan kami kaya okey lang na magkatabi kami sa kama.

Mga ilang minuto lang na nag-iinin kami sa dilim ng kuwarto, may narinig akong umuungol. Inisip ko na baka may tao lang sa labas dahil nga malapit sa amin ang elevator. Nagtaka na lang ako. Palakas nang palakas ang daing at naging hagulgol ng isang babae.

Initially, naghanap ng rational explanation ang utak ko. Siguro may babaeng nag-ookupa sa kabilang kuwarto. Siguro nag-stay in siya. Siguro namatayan siya kaya siya umiiyak.

Pero solid na solid ang hagulgol. At pareho ng level of resonance naming dalawa kung mag-uusap kami ng kasama ko. Wala ring echo ang tunog kaya imposibleng galing ito sa corridor sa labas.

Tahimik lang ang katabi ko sa kama. Mas matanda ako ng ilang years sa kanya, at dahil alam niyang writer ako ng mga ghost stories, ako na ang nag-initiate.

“Naririnig mo ‘yun?” tanong ko sa kanya.

“Oo,” sagot niya.

Mga ilang minuto pang nangibabaw ang hagulgol ng babae sa katahimikan ng kuwarto namin.

Hindi na rin nakatiis ang kasama ko at sinabi niyang natatakot siya. Sabi ko sa kanya, sa labas lang. Pero sa loob-loob ko, sabi ko, mukhang minumulto nga talaga kami.


“OMG. Huwaaaaaaaaaaaaa..” reply ni Mama Jen.

“Alangan namang lumabas kami ng room,” sabi ko sa kanya.

“Sementeryo ‘yun dati e. Bigla na lang nilang itinayo ‘yung motel. Hindi man lang inabisuhan agad ‘yung mga kamag-anak na ililipat ang buto ng mga patay nila.”

Kinilabutan ako sa sinabi ni Mama Jen.

“May nagyayaya sa ‘kin d’yan. Hindi ako sumama talaga.

“Buti hindi iba yung mukhang nakikita mo pag dumidilat ka.”


“Sh*t naniniwala nko sa multo sa motel!!” reply ko sa kanya.

“Lammo ba namulto na rin kame ni Kiko sa motel,” banggit niya. “Lammo ba ‘yung motel sa may L-----? V--- ba ‘yun? Me mga multo pala dun.”

Hindi ako pamilyar sa lugar na sinabi niya.

“Lagi naman kame dun dati pero one time dun kame nilagay sa mejo malayong part.

“E ang style dun parang mga apartment. Tapos dun kame sa ibaba na room.

“E di ba usually three doors ang papasukan mo bago ka makapasok talaga sa room.”

Naalala ko may ganoon na pala akong napuntahan dati. Receiving area yata ang tawag doon.

“Pagpasok mo ng first door tapat siya ng hagdan tapos sa left ‘yung second door na nung nandun na kame naligo muna ako tapos may naririnig din akong umiiyak.

“Maraming babae,” pagpapatuloy ni Mama Jen. “Iniisip ko nga baka may nire-raid dun. Natakot naman ako kaya lang h*rny na ako kaya hindi ko na pinansin.”

Tawanan kaming dalawa.

“Tapos noong nasa ibabaw na kame ng kama ni Kiko may naririnig kami na tumatakbo sa hagdan saka sa ‘taas.

“Kasi para nga siyang apartment kaya tatlo ‘yung doors. Tapos takbo lang sila nang takbo dun. Nakakabulahaw. Kainis!

Um-order daw ng food sina Mama Jen.

“Maya-maya may narinig kameng kumatok pero kumatok sya dun sa pinaka-door na ng room namen.

“Dalawang katok lang.

“Hindi namin binuksan.”
Binanggit ko kay Mama Jen na kapag wala ako sa bahay (night shift ako), may naririnig din ang mga utol ko na kumakatok galing sa loob ng kuwarto ko. Minsan may naririnig silang mga yabag, parang may naglalakad sa loob.

“Tapos ayun na,” sabi niya, “e di ba um-order nga kame. E ang tagal-tagal nung order.

“Maya-maya tumawag na ‘yung nasa admin. Sabe bakit daw namin isinara ‘yung first door, hindi raw sila makapag-deliver. ‘Yung first door; ‘yung tapat ng stairs.

“’Yun pala wala talagang tao dun sa apartment na ‘yun. Kame lang ni Kiko.”

Napakapit daw siya kay Kiko noong sabihin nito sa kanya ang sinabi ng admin.

“Paglabas ni Kiko, tiningnan niya ‘yung stairs. Ang dilim-dilim! Wala pang nag-o-occupy sa itaas.”
Kinilabutan siya talaga.

“Ay, eto pa pala. Nung naliligo si Kiko pagdating namin, naiwan ako sa bed. Tapos sa tapat ng bathroom door, ‘yung salamin, may nakita akong babae. Hindi ko talaga lang pinansin pero noon palang naliligo rin si Kiko may naririnig din siyang mga babaeng umiiyak!”

Sa totoo lang, natatawa pa ako sa umpisa kapag ikinukuwento ko sa mga kaibigan ko ang nangyari sa akin sa motel sa south. Pero pinanindigan talaga ako ng balahibo sa sinabi ni Mama Jen sa akin.

The Sickled Man

THE BUS GOING southbound should have stopped near the exit of the MRT Cubao station. It was the middle of the week and usually MMDA personnels are waiving their neon orange gloves like sending distress signals right under where MRT meets LRT 2. This morning they are nowhere to be seen. Could it be that they were sent as reinforcement to the anti-riot police? I heard there’s going to be a big rally today and a couple of buses from Central Luzon were blocked at the North Luzon Expressway.

Taking advantage of the situation, the bus took in passengers in front of Chowking EDSA-Aurora. I secured my backpack on my shoulder and went down. Passengers swarmed toward the swinging door .

A man of fourty-something wearing a worned out baseball cap wrestled his way through. He caught the cord of my iPod earphone with the tip of his cap and it fell off my right ear. My impulse was to grab the cord but the man was already staring right back at me, his bloodshot eyes floating on his dark brown face that shimmered in what I perceived was grease.

By the looks of it, he must have been waiting for me to apologize for what he thought was my Godforsaken mistake. It was momentary. And really, it was scary weird. I said, “Sorry.” And maybe he took offense at my elite university accent (it was because of my toad-like tongue, my friends would kid around) that I was sure the man’s lips moved sounding something I wasn’t able to read.

Was he cursing me? I don’t know. I shrugged it off. These people probably were yelled at all their life by their superiors that they can only find refuge in whispers. I just hope they don’t take it home to their wives and children. Besides it is a beautiful morning. I hope. I still can see Chinese clouds peaking atop the overlapping bridges of MRT and LRT 2.

I crossed the other side of EDSA. Nickelback’s “Photograph” was playing on my iPod. From here I need to walk to Baliwag Transit where I will ride a bus to our province in San Miguel, the last town of Bulacan before Gapan, Nueva Ecija. By the time I entered the terminal, Nickelback was singing the chorus the last time.

Lucky me, I was able to catch the 8 AM bus. I sat near the right-side window. Coldplay’s “In My Place” wailing on my ears, I hugged my backpack, closed my eyes, and took a deep breath.
Suddenly, I felt something was scratching my arm. When I opened my eyes, I saw trees passing by my window. No signpost. On my left, a child, fair-skinned and wearing a school uniform (white printed shirt and khaki shorts), was holding a plastic of orange softdrink on his left hand and the other stroking me with his nails. He was staring at me. Much like how the man with the cap did. Eerie. Scary weird. I reached for my pocket and gave him a five peso coin. He smiled at me, his mucous forming a checkmark from his nose across his cheek, bubbling. He took something out of his shorts and gave it to me. An old photograph of a man wearing a woven farmer’s hat. He is gripping a sickle on his right hand, an arm of the child beside him on the other.

The kid chuckled. And then a loud bang. Cacophonous screams. Glass breaking. A strong force that pushed me towards the window as if the bus tilted. A stranger’s body on me. Blood dripping from it. And darkness.

And then light.

When I opened my eyes, I was still inside the bus. We just passed by Pulilan. No kid in school uniform. No dead body weighing over me. My iPod was blinking. Lowbatt. I changed the battery.

MY LOLA WAS already waving at me with her arm like a swelling window wiper when I descended from the tricycle for what was, I concur, a half hour ride from the national highway.
While serving me Coke and pancit canton, my aunt was briefing me about the house beside ours. It was almost 12 noon and this could as well be my brunch. Leaves that were being burned with trash caught my sense of smell.

Tita mentioned there is a computer on the other house but nobody’s there. My lolo’s elder brother died last year and his relatives stayed in Manila after his interment.

One morning, Tita recounted, he was found dead. He died in his sleep. Maybe from old age or from his sickness. I don’t know. I didn’t see him. ‘Didn’t see him either the last time I went here like 8 years ago. She said he was like a breathing corpse when he died. His bones surfaced from the treatment he got for tuberculosis. My cousin said they saw fire balls fying around his room when they found him on his bed. My lola said it was his soul leaving his body.

At night, I could not sleep. I opened the window beside my bed and peaked into the darkness. I saw light escaping from the venetian blinds from the room where my lolo’s brother died. The light dissolved into the abandoned pig pen. They turn off all the lights in the house except from that one. They believe the old man pays a visit and moves his things around.

I inserted a bus ticket between the pages where I left off and hid the novel under my pillow. My cousin, who is snoring right now, told me how smart I am to read “The Idiot” when he found me flipping through the pages of the book (he doesn’t even have any idea who Fyodor Dostoevky was). I patted him on his shoulder, called his name, and woke him up.

Lola keeps the keys to the other house so I have to wake her up as well but I think she didn’t mind because I just arrived. I was still namamahay. She just reminded my cousin to take care of me (my cousin, though younger than me, is taller and more toned than my built) and I bade her “Sleep well”.

We have to cross the other side of the house where the pig pen is because the entrance is there. There is still a faint stench of pig feces. I remember there is a stream near us but I didn’t sense any movement of water. Perhaps it was already dead. I stood behind my cousin, who was trying to poke the keyhole, holding a flashlight when my arm itched. It was momentary. I remember how the nails of that kid in the bus scratched my arm. Perhaps its just the mosquitoes. Who knows.

My cousin booted the pc while I waited. Picture frames decked the living room. My cousin gave me the expansion cd for Battle Realms so I could play Winter of the Wolf before he turned off the lights. My cousin told me he needed to take a leak.

The computer screen was gleaming in the dark and over my shirt. The light illuminating from the door of that room where my lolo’s brother had died creeped into my feet. My heart was pounding with the sound from the pc speakers. I was counting the seconds from the time my cousin left.

I was about to exterminate my enemy with my clan heroes when all of a sudden the flourescent lamp from the room behind me blinked. I whistled and waited for my cousin to come back but he didn’t. I exited out of the game and browsed at the icons saved on the desktop. The lights blinked again.

Without an inkling, I turned the swivel chair towards the door and caught a faint image of a man in white long sleeves and white pants. I was screaming in my mind when the computer shut down. I had accidentally kicked the voltage regulator’s power switch. I was already panicking.
The lights from that room stopped blinking and here comes my cousin out of the darkness telling me my aunt asked him to buy something. The computer just restarted.

THAT MORNING WE went back to that house and checked out the picture frames and photo albums. To my surprise, I picked up one faded photo of an old man with a sickle and a kid standing beside him. My cousin said it was my lolo’s elder brother with the child he lost in the mountains one time they picked up camote from their farm.

I disclosed to him the man in full white that I thought I saw in the room last night and he told me my lolo’s brother wore the same kind of clothing when he was buried. I was aghast.
If he killed his son, nobody knew. He also claimed he lost his sickle on his way home.

Holy Mamaw

Sabi sa librong binabasa ko tungkol sa yurei, may iba’t ibang klaseng multo sa Japanese culture: ang onryo, multong nagbalik mula sa purgatoryo para maghiganti; ang ubume, multo ng inang namatay sa panganganak o inulila ang kanyang mga anak; ang goryo, multo ng isang aristokratang martir; ang funayurei, multo ng nasawi sa gitna ng dagat; ang zashiki-warashi, mapagbirong multo ng bata; mga sundalong multo na napatay sa Genpei War at nagpaparamdam sa Noh Theater; at multo ng babaeng nakikipagrelasyon sa lalaking buhay.

Tinitingnan ko yung painting ng yurei nang hablutin ng kaklase ko ang libro.

“Ano na naman ‘tong tinitira mo, Edge?!” urirat sa akin ng adakrabs kong si Rjhay.

Okay, sige aminin ko na. Isa akong lesbiana. Ikaw ba naman ang “ikulong” na parang kalapati ng nanay mo dito sa Holy Mamaw mula elementary. Puro kalapati na lang tuloy ang nakikita ko. Kaya kung ma-in love man ako sa kapwa ko kalapati, si mommy ang ihaharap ko sa mga mag-uusisa sa akin.

“Nababasa mo ba ‘nakasulat?” sagot ko sa kanyang may pagkainis. “Akin na nga!” bawi ko sa kanya ng libro.

Ang ingay na naman ng klase simula pa lang ng araw. Hindi na naman kasi pumasok si Miss Tuazon, ang adviser namin. Nasaan na ba ‘yun? Balita namin may sakit siya. Kung ano ang sakit niya, hindi sa amin sinasabi ng ibang faculty.

May kumatok na estudyante sa pinto pero hindi namin siya pinansin. Tinawag ng kaklase ko ang class president namin. Nang makausap niya ang dumating, lumapit siya kay Therese.

Tahimik na tumayo si Therese. Ganun naman talaga siya. Naaasar ako sa katahimikan niya dahil hindi dapat ganun ang babae. Baka samantalahin lang siya ng mga lalaki. Ewan ko. Pero siguro bunga lang ng pagtingin ko sa kanya ang pagkaasar ko.

Sinundan ko siya ng tingin nang dalhin niya ang kanyang gamit palabas ng pinto.

Binuklat ko ulit ang librong binabasa ko. Inisip ko kung yung babaeng yurei, kung pwede rin siyang makipagrelasyon sa buhay na tibo. Napangiti ako. Napansin ko ang malisyosong titig sa akin ni Rjhay.

“Ano na naman?!” usisa ko sa kanya. Malisyoso ang ngiti niya. Isinenyas niya ang paglabas ni Therese sa pintuan.

Alam ni Rjhay na may gusto ako kay Therese. Pero hindi ako katulad niya. Medyo discreet pa ako. Takot kasi ako kay mommy. Takot din ako sa kuya ko, baka ipagkalat niya sa pamilya pag matuklasan niyang ganito ako.

Pumasok sa kuwarto namin ang head ng Physics Department, si Mrs. Ugay. Sabay-sabay namin siyang binati.

“Take your seats, class,” panuto niya. Sumunod naman ang mga kaklase kong nakatayo at nagbibiruan. Nagsipasukan rin ang mga nakakalat sa labas ng classroom.

“I have something to say,” seryoso ang hulog ng mukha ni Mrs. Ugay. “We have two bad news that we received today.

“Miss Tuazon will not attend your class, officially, starting today. She was diagnosed with cervical cancer.”

Nakarinig ako ng mura sa bulong ng mga kaklase ko. Napatakip ako ng bibig.

“And second,” pagpapatuloy ni Mrs. Ugay, “Therese’s father just passed away.”

Pinunit ng panlulumo ang katahimikan ng klase namin.

Tumango si Mrs. Ugay. “Include them in your prayers, okay? And I am expecting you to behave. I will come back later to inform you who will take over Miss Tuazon as your adviser.”

Hindi ako makapaniwala. Binuklat ko ang librong hawak ko sa isang page na nagpapaliwanag kung ano ang hitodama—isang pares ng bolang apoy na kulay blue, green, o purple na lumilipad paikot sa isang yurei. Kanina may parang nakita akong ganito sa paligid ni Therese. Pinanindigan ako ng balahibo sa batok.

Isang linggong hindi papasok si Therese, ibig sabihin isang linggong hindi ko siya makikita. Noong gabing iyon tinawagan ko siya sa telepono. Kinumusta ko siya. Nag-ingat ako sa pagtatanong, di gaya ng dati. Introvert ako pero mas kulob ang loob ni Therese, masyadong mahinhin.

Nagbaril pala ang erpat niya. Lagi kong pinupunan ang long pause ni Therese sa kabila ng awditibo. “Wag mong sasabihin sa iba ha,” pakiusap ni Therese sa akin. “Nagselos kasi siya sa mama ko. May fall-out na kasi sila. May nabasa siyang text message sa celphone ng mama ko galing sa officemate niya.”

“Don’t worry, Therese. You can trust me naman,” bulong ko sa kanya. Nakarinig ako ng impit na ‘salamat’. Bago ako matulog, tinext ko rin siya ng ganoon.

Pagkatapos ng dalawang araw, dumating sa amin ang balita na patay na si Miss Tuazon. Natural na reaksyon na magimbal ang klase.

Itinago ko ito sa kanila. Pero noong umagang iyon, bago ianunsyo ang pagkamatay niya, nakita kong pumasok si Miss Tuazon sa klase. Tulad ng dati, nakita ko siyang lumitaw sa pinto hawak ang lesson plan niya, ang libro namin sa Filipino 2, at ang pencil case niya.

Nakita ko siyang tumawid sa harap ng blackboard patungo sa cabinet niya sa kabilang dulo. Nakita ko siyang ibinaba ang gamit niya sa teacher’s table.

Kanina lang, pagdaan ko sa locker, nakita ko siyang pumasok sa Faculty Room.

Hindi ko maintindihan ang mga nakikita ko. Pero sabi nila, sa quantum physics, kapag paulit-ulit mong dinadaanan ang isang lugar, gumagawa ka ng pattern sa plane. Pinupunit mo ‘yung plane. Na kahit wala ka na, patuloy pa ring umiiral ‘yung pattern at, minsan, nagma-manifest iyon sa naked eye.

Ewan ko. Dati, noong bata pa ako, natatakot sa akin ang katulong namin dahil lagi raw akong may itinuturo sa kanya sa bahay pero wala naman daw siyang nakikita. Nakakatawa.

Pero siguro iyon din ang dahilan kung bakit ko itinago iyon sa mga kaklase ko. Kahit kay Rjhay. Baka hindi sila maniwala na nakita ko ang yurei ni Miss Tuazon. Baka tawanan lang nila ako. Tulad ng takot kong pagtawanan ako ng tao kapag malaman nilang nagkakagusto rin ako sa kapwa ko babae.##

Kaddua

As a student of Karl Marx, I espouse his DM (dialectical materialism). This principle debunks age-old metaphysics—baseless customs and superstition including belief in ghosts.

Five years ago, I met Jed. I was serving as the Luzon chair of our national organization. He was a kaddua, the Iloko term for “kasama” or comrade, meaning he also studied Marxism like me. He was a part of a dedicated group based in Ilocos Sur organizing Northern Luzon.

Jed invited me to Vigan to give a talk about Campus Journalism. When I went back to Manila, he started showing his romantic feelings for me through text messages. It wasn’t hard for me to like him since we were rooting for the same ideology.

He constantly sent text messages asking how my day was, how I should persevere despite personal struggles that we face when we decide to become full-time activists. He became my silver lining beyond the gray clouds, so to speak.

We lost contact after I left the organization because of a break-up I wasn’t able to handle.

Then last year, he sent an email and added me at Friendster. He said he saw the poems that I regularly post on a yahoogroup.

This February, he texted me and told me that he’s going to Manila. I asked him if we could meet up. He said he might not be able to meet up with me because it will just be a short visit.

I asked Jed how he’s been. That’s when he revealed the reason for his visit. “Check up ko sa oncologist ko… Tas kunin ko 3rd cycle ko ng chemo… Mahal nga eh!” he replied candidly.

I was so surprised and worried. He told me that he got an operation recently. “Gall bladder… Tas a portion of my colon…” he said in his text message. He was quick to plead not to mention his situation to our friends in the organization. “Though ang alam nila ay gall bladder lang… Buti buhay pa ako…”

When I received a text that he already had arrived in Manila I asked him when he’s going to be free so I could visit him. He didn’t reply.

On Labor Day, I met up with my former colleagues in Liwasang Bonifacio where they were gathering before the rallyists move to Mendiola later that afternoon. Jed’s collective—his “colleague” in Ilocos Sur—disclosed how he suffered from his illness. I made a mental note to call Jed on his celphone because I haven’t received any text from him in weeks. When I arrive home, I was so tired it slipped my mind.

I dreamed about him. We were standing on what I surmise was water. Jed was like a few meters from me. When I saw him, I called his name. But he was petrified, staring at me with a weary face. He shifted away and away from me, and I continued calling his name, whimpering. He disappeared from my sight. I woke up in tears.

A few days after the rally, I got an email: Jed had passed away. I was in shock. I tried to call him on his cel but its already out of order.

I took a one day leave and catched the 10PM bus in Cubao going to Vigan. My heart was filled with remorse. I sat beside the window and looked at the passing shadows of houses and farms. I was trying to remember how he looked like. Five years was long enough to scratch a few faded memories at the bottom of my mind.

I arrived at Vigan at 5AM. When I arrived at Jed’s house, I saw his coffin in the sala, surrounded by flowers. I felt hesitant to go near my kaddua’s coffin. I haven’t gotten proper sleep from the trip and the scent of burning candles on each side of his coffin made me weak.

“Go ahead,” Jed’s collective goaded.

I was afraid Jed might smile at me. I heard a lot of stories about corpses smiling when their lost beloved come to their funeral.

Jed’s face was dark because of the therapy he received for his cancer. The make-up on his face was contrasting the color of his face. He lost weight. But he was more handsome now. Inside the glass, I saw his whole body. His collective pointed his hands to me: the right side seemed so alive while the left was withered. It was because of the intravenous medicine he took when he wasn’t able to normally take food in anymore.

After lunch, I bade goodbye to his mother who just came back from Saudi. She was so appreciative of me eventhough we just met that day. She held my hand and weeped. I told her I need to be at the office the next day.

I looked at Jed’s coffin the last time and I was certain he smiled at me. That wasn’t how his face figured when I first glanced at him that morning. DM kneejerking at me, I silently prayed for his soul and whispered I hope he was happy I came to see him.

I arrived in Manila at 1AM. Short of rest, I went to work.

When I came back from work in the afternoon, my 80 year old lola asked me who came home with me. I was baffled. I went home alone that afternoon. When I prodded her about it, my lola said she saw a man tailing me when I climbed up the stairs going to my room. I had quickly thought of Jed.

One time, I was alone watching dvd, I started smelling candle fumes. Maybe it was Jed, making his way to remind me that he is just around.

Flashpoint

THIRD WEEK ng April, tanda ko pa, nagtext sa akin ng kaklase kong Edmund. Nag-family outing kami nun sa Pagudpod. Sabi niya, nasunog daw ang school.

Dahil doon, hindi na ako nakabalik sa tubig. Pinagte-text ko na ang mga kaklase namin.

Pero hindi naman pala buong school. Yung isang bahagi ng Tech department, yung room na gagawing Computer Lab, yun ang muntikan nang masunog.

Nang magsimula ang pasukan, dun na kumalat ang mga bali-balita.

Minadali raw kasi nilang tapusin ang Computer Lab. Bahagi kasi ito ng special project ng school. Dami nga nagreklamo kasi ito ang ginawa nilang sangkalan sa pagtaas ng tuition.

Kahit nung bakanteng kuwarto pa lang yung ginawang Computer Lab, marami na ang nagsasabi na may nagpaparamdam doon.

May mga 4th year students na nag-stay sa school para gumawa ng project. Mga bago mag-alas siyete ng gabi yun. Naglalakad sila sa corridor, dun sa area ng mga lamesang ginagamit sa table tennis, nang may makita silang batang tumatakbo mula sa dilim, tas nawala pagtapat sa bakanteng kuwarto.

Sa sobrang takot nila napakaripas sila ng takbo papunta sa may gate.

Minsan naman me teacher na napagabi nang pag-uwi. Nung dumaan siya dun sa lugar, bigla me naghagis ng bato sa tapat niya. Paglinga niya sa paligid, wala namang tao. Ang takot nung teacher, bumalik siya sa loob ng faculty room para magpasama sa co-teacher niyang lalaki.

Nung mag-decide ang school na ipa-renovate yung Tech building, damay na yung bakanteng room.

Sabi ni Mang Jani, yung matandang janitor sa school namin, maski na yung mga trabahador na gumawa ng Computer Lab, pinagpakitaan ng bata. Biglang kumakalampag yung mga tabla. Tas natutumba yung mga lata ng pintura.

Lunchbreak ng mga trabahador nang magyosi yung isang kasamahan nila. Naitapon niya sa mga basahan na natapunan ng thinner yung upos ng yosi niya, hindi niya namalayan nagliyab yung mga basahan. Nasunog ang mga kamay at braso nung trabahador.

Binalak ko ngang interbyuhin yung trabahador na yun para sa school paper namin. Tatanungin ko dapat siya kung ano ang nangyari at kung binayaran ng school ang expenses niya sa pagpapagamot. Kaso naisip ko malamang soplakin ng adviser ang gagawin kong news article. Bubusisiin ko rin kasi ang mga health benefits nila saka yung expenditures ng school sa pagpapa-renovate ng Tech building versus increase ng tuition namin for that school year. Sophomore pa lang ako noon pero subersibo na ang image ko.

Sabi nila, kagagawan ng multo ng bata yung aksidente sa Computer Lab. Siya ang nagbubukas ng mga lata ng pintura. Madalas, kuwento ng mga trabahador kay Mang Jani, pagbalik nila galing break, daratnan nilang nakakalat yung mga sininop nilang mga kagamitan sa konstruksyon.

Isang araw raw bago maganap yung aksidente, inabisuhan raw nung trabahador na nasunog ang mga braso yung mga kasamahan niya na may nagdrowing sa pader na pininturahan niya sa Computer Lab…Ian.

Minsan nabanggit namin ito kay Mr. Guerzon, yung teacher namin sa Economics. Walking encyclopedia kasi ang bansag namin sa kanya.

Sabi niya, may scientific explanation raw yung aksidente. May mga materials talagang flammable at combustible. Yung mga tipong mag-e-evaporate ang chemicals at pwedeng humalo sa hangin. Yung level na mitsa ng pagkasunog base sa temperature, flashpoint raw ang tawag run. Saka may iba’t ibang flashpoint raw ang mga chemicals. Gasolina, solvent, thinner, pintura… yang mga ganyan daw. Malamang sobrang init nang araw na yon kaya konting sindi lang galing sa upos ng sigarilyo, nag-start na ng sunog.

Kaya raw pag asa gasolinahan inaabisuhan ang mga motorista na wag magsindi ng sigarilyo. Delikado ang mga fumes ng gasolina. Hindi mo alam nakakarga na sa hangin kahit hindi mo siya maamoy.

Tinanong namin si Mr. Guerzon kung ano ang perspective niya kung nag-e-exist ba ang mga multo. Sabi niya mga energies lang daw iyon na naiiwan ng tao sa lugar na madalas nilang puntahan. Halimbawa raw, pag matagal kang nakaupo sa upuan. Tas pagtayo mo, paghawak mo sa upuan mainit pa rin. Hindi mo nakikita yung energy pero nararamdaman mo yung init ng umupo roon. Ganun raw yung mga multo.

Mga 4th year students ang huling nagkaklase sa Computer Lab. Kadalasan, inaabot sila ng lampas 6pm doon sa room.

May isang maliit na grupo ng mga Seniors na naiwan sa lab. Nagpaalam ang teacher nila at may kukuning gamit sa faculty room. Mga ilang minuto pagkalipas non, bigla raw may nagbukas ng pintuan. Nakatutok silang lahat sa isang computer at gumagawa ng algorithm para sa Visual Basic.

Tinawag ng isang kaklase nila yung teacher nila para magtanong. Hindi sumagot yung teacher. Nang puntahan ng student sa elevated station ng mga teacher, wala raw siyang nakitang tao. Sigurado ng grupo na may nakita silang pumasok sa loob ng Computer Lab. Nagkagulo na sila nung dumating ang teacher nila. Hindi makapaniwala yung Computer teacher pero naririnig na niya sa iba na may nagpaparamdam talaga sa Computer Lab.

Kapag walang nagkaklase sa lab, pwedeng humingi ng permiso ang mga estudyante para gumamit ng computers. Mga dalawa o tatlong estudyante minsan ang laman ng lab.

Isang instance, may estudyanteng mag-isang nagko-computer sa lab. Pagtingin niya sa monitor ng nakapatay na computer, may nakita siyang batang tumakbo sa likuran niya. Madalas biglang gagalaw ang mga upuan sa lab na parang may nakaupo. Minsan may parang tatapik sa mga processor.

Madalas kong madaanan pauwi yung dating kinalalagyan ng fire extinguisher na ginamit sa aksidente sa Computer lab. Wala na roon yung fire extinguisher. Marka na lang ang naiwan. Pag nagagawi ako sa lugar na iyon, naiisip ko yung batang nagmumulto. Alam kaya niyang patay na siya? ##

The Doctor’s Backyard




When I joined a pool of writers last year, I was tasked to write about haunted houses. The meeting was held a few days before Holy Week. I remember most of it because when I got home, I got a reply from Mario, a friend, whom I have asked if he knows any ghost house. His family stays in Bulacan, Bulacan.

Mario texted me that his neighbor’s house would be the perfect place. Researchers had ceaselessly asked for an appointment with the owners (this was when the two giant TV networks filled our Saturday afternoons with paranormal stories) so they can cover it on their show. The owners had always declined, Mario said. Later on, I realized why the owners had kept a considerable distance with the TV people. Two words: medical ethics.

Mario and I met up on a Holy Tuesday. I was nonchalant at that time because I saw it as one of those writing projects that I would enjoy. But when we alighted from the tricycle, I saw locals flagellating themselves. That was the first time I saw that kind of atonement first-hand and it had clearly set up the mood. I dugged up my mobile phone right away and took pictures of their swolen backs which they slashed with razor blades early dawn so more blood would ooze out when they flog them. Seeing those Catholic devotees soaked in their own blood and their faces veiled with black wool, I felt I was watching a film about fighter dogs by Alejandro Gonzalez Inarritu.

We arrived at the house and I was welcomed by the caretaker. The owner, a doctor, and his family migrated to the States a year ago. Mario told me that the doctor’s son was his childhood friend. He said they played in their backyard. When they were still in highschool, the father gained notoriety not because he was good at practicing medicine but because he was also an abortionist.

The location was already known for eerie occurrences even before that. Neighbors had confirmed seeing a black lady in the doctor’s compound. One evening, a tricycle driver passed by their house and saw the black lady standing in front of the gate as if she was waiting for a ride. The tricycle driver had fallen ill and had decided to move with his family to another province because of the incident. The doctor’s nearest neighbor had also reported seeing the black lady when she went out of her house to buy something from the sari-sari store nearby. She was walking towards their front gate when she curiously looked at the trees beside the doctor’s house. There she saw it, the black lady, staring at her with raven-like eyes. She was so frightened she went back to her house and had also fallen ill for a week.

The caretaker assisted us to the backyard. We passed by an abandoned bungalow. I took a glance at the window and saw the darkness that had enveloped the insides of the house like an empty hall at midnight. I was expecting to see a ghost there. But none showed up. The caretaker told me that the doctor’s family stayed there. I was waiting for the creeps: the usual goosebumps or a faint image that will manifest on my peripheral vision. But still, none came.

When we had set foot at the backyard, the caretaker showed me an abandoned pigpen. F*ck! I hushed. I thought I had swallowed my own tongue! There were white crosses painted on the walls of the pigpen. I took pictures of it.

I immediately showed my mobile phone to Mario. “Tingnan mo ‘to,” I nudged him, “di ‘ba-“

“…mukhang sementeryo,” Mario finished my sentence.

“Alam mo,” I revealed, “napanaginipan ‘ko itong eksenang ‘to.”

It wasn’t just a dĆ©jĆ  vu. Maybe, Mario told me, the black lady called me in my dreams. Maybe the black lady was expecting me. “Tumatayo balahibo ko,” Mario joked around and showed me his arms.

His goosebumps were real, that I can tell.

The caretaker went away for awhile to get our merienda. Mario pointed out the wooden white crosses that were nailed to all the trees in that backyard. What a shock! The place really looked like a cemetery.

When the caretaker came back, Mario showed him the picture of the pigpen on my mobile phone. “Why the crosses?” I asked him.

“Marami na kaming naramdaman dito,” the caretaker narrated. They’ve tried a couple of houseblessings. They even consulted people to exorcise the ghosts manifesting in the place. “D’yan sa babuyan,” he said, “marami kaming naririnig na mga tawa ng bata.”

Mario pointed at a depressed spot surrounded by the trees. He said it was a swamp before. Apparently, the doctor buried the fetuses he aborted near the swamp. There were at most twenty unborn babies in that grave, he presumed.

“Siguro kaya po umalis ang may-ari,” I told them.

One time, the caretaker related, his 5 year old son was left alone one night in their room at the 2nd floor. Their house was built beside the backyard. His son screamed in tears and called her mother. “Tinanong siya ng nanay niya, kasi kumuha lang ng tubig sa ibaba. May nakita raw siyang kamay ng tao na nakakapit sa bintana.”

I saw the window and there’s no way anyone can climb up that wall. “Nagkalagnat nga ang anak ko,” he added. Another time it was he who saw a woman’s face staring at him outside the window. Sabug-sabog ang buhok ‘tas mapula ang mata, he told us. It was just a head, just a head floating outside his 2nd floor window. He didn’t tell his wife about it but his family moved to Manila because of what happened to the kid.

The family converted to El Shaddai and that’s when, he claimed, the eerie occurrences had stopped. A local leader asked him to put those wooden crosses on the tree trunks to wade off evil spirits.

I lost Mario’s number when my mobile phone had to be reformatted. We never came back to that place. Truth be told I really had a dream about that backyard. I am showing the pictures to you as proof. If the black lady called upon me to visit her dwelling, that I cannot substantiate. I wasn’t planning to write this story but weird things started happening to me, and I think this experience is pivotal.

31st Floor

‘Call center butterfly’ ang tawag nila sa tulad ko. Hindi kasi ako mapirmi sa isang call center. Hindi ko na usually inaabot ang regularization, lumilipat ako agad sa iba after a few weeks on the floor. Ewan ko. Siguro that is how I was wired.

It works for me. Kung pwede nga lang magkulong sa kwarto at mag-dvd marathon o mag-sound trip, ‘yun ang gagawin ko maghapon.

But sometimes it bothers me. Hindi ko ito nababanggit sa iba. Pero I’m a ghost magnet yata. Most of the time graveyard shift ako so pag lumabas ako ng house mga past 6 na. Madilim na dun sa nilalakaran ko papunta sa sakayan ng jeep na magbababa sa EDSA. Maraming beses na kasi nangyari na may makakasalubong akong naglalakad—weird—nakatitig sa akin na para bang nanlilisik ang mga mata. Tas pag pinilit kong i-spot ang nilalakaran nila, nakalutang ang mga paa nila sa lupa.

Alam ata nila na nakikita ko sila. May mga kaluluwang gumagala na ayaw talaga magpaabala. Nagagalit sila pag sinusundan sila ng tingin. Naalala ko minsan nung bata pa ako, naglalaro ako sa bangketa tas may dumaang karo ng patay. Dun sa mga kapamilyang nakabuntot sa karo, may nakita akong maputlang lalaki na nakapamburol, nakatitig sa akin. Hindi na naalis yun sa isip ko.

Dun sa isang call center na pinasukan ko, sabi nila may bata raw na naglalaro sa mga training rooms sa 25th floor. Madalas hinahampas niya yung mga swivel chairs.

Yung CR nga sa dulo wala nang gumagamit dahil madalas siya rung magparamdam. Akala mo may laman ang isang cubicle dahil me maririnig kang mga kaluskos, wala naman pala. Minsan nga nag-CR ako dun mag-isa. Habang naghuhugas ako ng kamay, biglang kumindat yung mga ilaw. Tas sa gilid ng mga mata ko, para bang may nakita akong payat na naka-blue uniform sa tapat ng ihian, nakalutang ang mga paa niya mga 2 feet mula sa sahig. Baka iyon yung multo ng namatay sa elevator. May isang utility man daw kasing nagkukumpuni ng sirang elevator tas nag-short ata yung mga kable. Ayun, nabagsakan siya ng elevator mismo. Patay agad.

Isang madaling-araw, nang mag-rounds yung guwardiya, binuksan niya yung Training Room 3. May nakita raw siyang tao na nakaharap sa computer. Akala niya agent. Pagsasabihan niya sana kasi bawal mag-stay sa training room kahit before mag-start ang class kaso nakatalikod sa kanya so tinawag niya. Hindi ito sumagot. Pagbukas niya ng ilaw, walang siyang nakitang tao.

Sa Workforce naman namin, may isang area na sobrang lamig kahit nakapatay ang aircon. Isang araw, nung kinakausap ko yung ka-batch ko dun bigla na lang tumilapon yung Avaya, yung phone na ginagamit namin sa calls. Nagtaka sila. Minsan kasi bigla na lang umikot yung isang upuan nang 360 degrees. Sa takot nila, nagtakbuhan daw sila lahat. “Baka poltergeist yung multo,” sabi ng ka-batch ko. Hindi ko na lang binanggit na nakita ko yung reflection ng bata sa salamin ng window. Tumakbo siya at nagtago sa ilalim ng isang computer station na parang naglalaro.

Parang nasanay na ako sa dami ng mga manifestations. At least, hindi pa ako nakakakita ng mga multo na sabog ang bungo o putol ang kamay, yung tipong naaksidente.

Hanggang sa mag-work ako sa ‘San Gimel’ sa Ortigas. Sabado kaya konti lang ang agents na may work saka restday ng mga nag-oopisina. Mga 8pm yun kaya si manong na lang ang inabutan ko. Sa 36th floor ang mga work stations namin. Bago ko i-swipe ang ID ko bigla akong kinilabutan. Sabi ko, baka malamig lang kasi malakas ang ulan sa labas. Nag-good evening si manong—“Pauwi na?” usisa niya—saka binusisi ang bag ko. Tapos kinuha ko yung payong ko dun sa lagayan sa tabi ng door.

Hanggang sa tapat ng elevator sa 36th parang aburido ako. Pinindot ko yung ‘down’ button. Binilang ko sa isip yung changing numbers sa itaas. Nag-ding ang elevator at bumukas ang pinto. Walang tao. Nakita ko yung reflection ko sa salamin. Nilingon ko si manong tas nag-wave siya sa akin. Pumasok ako sa elevator at pinindot yung ‘G’ para bumaba sa ground floor.

Kulob yung katahimikan. Binibilang ko ulit sa isip ko yung numbers.

Nang biglang huminto yung elevator. Nag-stop sa 31st floor. Bumukas yung door. Walang tao. Nung magsasara na yung door, biglang may lumapit na matandang babae, may kasunod na bata. Pinindot ko yung button para bumukas ulit ang pintuan. “Salamat,” sabi niya. Nakahawak sa braso niya yung bata.

Nakatingin sa akin yung bata. Nakakapote siya, yung transparent. Pero basang-basa yung buhok niya. Basa pati yung gilid ng mga mata niya. Sumugod ito sa ulan, sabi ko sa sarili ko. Ito namang nanay, kako, hindi pinayungan ang anak niya. Ang lakas pa naman ng ulan sa labas.

Hindi ko gaanong napansin yung mukha nung nanay. Medyo stocky ang katawan niya. Naka-t-shirt lang siya at maong. Parang ahente ng mga cosmetic products, yung tipong mag-oorder ka gamit ang brochures nila. May dala siyang malaking shoulder bag. Ang naaalala ko yung kuwintas niya na may parang jade na pendant, yung nabibili sa mga Muslim sa Greenhills.

Dinukot ko ang cellphone ko. Isinaksak ko ang earphones sa mga tenga ko. In-open ko yung playlist at ini-scroll down ko sa ‘On The Radio’ ni Regina Spektor. Clinick ko yung play. Sa itaas ng pintuan ng elevator, pababa nang pababa yung mga numbers: 28, 27, 26, 25..

Biglang bumukas ang pintuan ng elevator sa 23rd floor. Nagulat ako. Nagkatinginan kami ng babae. Hinintay naming may pumasok. As usual, walang tao. Nakakayamot. Nung magsasara na yung elevator, nagbubukas siya ulit. Ganun siya mga dalawang beses ata. Parang nagha-hang nang half-open. Pinindot ko yung ‘close’ button.

Pagkababa namin sa ground floor, nauna akong lumabas nang elevator. Sumunod sa akin yung ale. Tsinek ng guard ang bag ko. Gumilid ako para isara ang zipper ng bag ko. Yung bag naman ng babae ang tsinek ng guwardiya.

“Asan po ‘yung anak n’yo?” tanong ko sa babae.

“Ha? Anong anak?” pagtataka niya.

“Kanina may kasunod po kayong bata e. Nakakapote.”

“Mag-isa lang akong bumaba,” sagot niya.

Nagbiro yung guard. Baka yung batang multo raw ang sumabay sa amin sa elevator. “Manong naman!” ang takot ng ale. Natahimik na lang ako.

Shoebox

Friday ng tanghali. Kaka-brunch ko lang dahil I woke up late na rin. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng hardbound edition ng Biographer’s Tale ni A.S. Byatt (I stopped reading when I saw the close-up photographs of Ibsen and the other one; they’re lying on their coffins). Kailangan ko siyang tapusin dahil may dalawa pang literary novels akong nabili nang mag-sale bookstore sa Shaw.

Bigla akong inantok. Hindi ko alam kung dahil busog ako o dahil sa info overload sa novel. Inipit ko yung used internet card page na iniwan ko bago ko itinabi ang libro sa ibaba ng kama. Hindi ko ugaling magtupi ng page bilang marker. Nakakaasar yung mga taong ganun.

Na-haggard ang mga talukap ng mga mata ko. Naidlip ako na nasa kamay ko pa ang aking celphone.

Bigla akong nagising. Someone’s turning my doorknob. Pilit niya rin itinutulak ang pinto. Kung si mama yun, ba’t hindi na lang tumawag at kumatok. Pero baka akala rin ni mama wala rin ako sa room.

Tumayo ako na mabigat pa ang ulo. Binuksan ko ang pintuan. Sumilip ako sa labas. Walang tao. Sino kaya ‘yun? Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa terrace. Sinilip ko rin ‘yung dalawa pang kuwarto namin. Swear, wala talagang tao. Ako lang mag-isa sa 3rd floor ng bahay namin.

Ayoko nang bumaba pa para tanungin si mama. Baka lalo lang mawala ang antok ko. Bumalik ako sa higaan at para bang hapung-hapo akong bumagsak sa isang malambot na hukay.

Nagising ako ulit. Nakalimutan ko palang i-silent ang cellphone ko. Ang lakas ng message alert. In-open ko yung bagong text message. Number lang ang lumabas. Who’s this? textback ko sa kanya. Si Rose pala, yung classmate ko nung college. Mga 2 years na rin mula nang huli ko siyang makita sa reunion ng klase namin. Jo, sabi niya sa text, wag k mbbgla. Alex s gone.

Huever u r, pls stop joking: warning ko sa kanya. Hndi aq ngbbiro, reply niya. Patay na c Alex.

“Lord!” bulong ko. Para ba akong sinikmuraan. Matagal ko na ring hindi nakikita si Alex. Hindi siya pumunta nung reunion namin sa isang comedy bar sa Timog. I don’t know how special Alex was to me. We dated ilang months before graduation. Hindi ko na rin siya nakita nung mag-march kami sa PICC.

Kinausap ko agad si Rose sa landline. Sabi niya, Alex died in an accident. “Ano’ng nangyari?” panginginig ng boses ko. Sa call center daw nagtrabaho si Alex. Umuwi raw siya nung madaling-araw. Ibinaba yata siya ng bus sa gitna ng EDSA pagkatapos nahagip siya ng humaharurot na kotse.

DOA na raw siya nung dalhin sa ospital ng nagkawanggawang taxi driver.

“Kelan kayo pupunta?” tanong ko kay Rose. Bukas pa raw ng gabi. Para free ang karamihan sa amin. “O sige,” sabi ko.

Bumalik ulit ako sa room ko. Sa ilalim ng kama, kinuha ko yung itinabi kong parang shoebox. Tinanggal ko ang takip ng box. Sa isang malaking stationery envelop, inilabas ko ang ilang cards at sulat—mga bigay ni Alex. Sa isang card nakaipit ang picture niya. Para maalala ko raw lagi ang kagwapuhan niya, sabi niya sa dedication niya sa likod. Loko talaga ang Alex na yun.

Nagpunta kami sa burol ni Alex, Sat night. Nakasara ang coffin. I don’t want to imagine kung ano’ng itsura ni Alex ngayon after mabundol siya. I mean, I’ve seen enough forwarded pictures sa email. Nasira daw ang mukha niya sa lakas ng collision. God! I don’t want to think about it talaga.

That’s when my family members started experiencing weird things in my room. Takot na ibinalita ng sister ko na nung gabi raw na gumimik ako, may narinig raw silang mga yabag galing sa room ko (plywood lang kasi ang divider ng mga room namin). Akala nga raw niya dumating na ako. Tinawag pa raw niya pangalan ko pero walang sumagot. Dalawang beses pang nangyari yun. Tinawanan ko lang siya. Sabi ko, baka kaluluwa ko lang yun; inaantok na at gusto nang matulog.

Isang umaga naman, napadaan sa room ko ang pinsan ko. May nakita raw siyang babaeng nakahiga sa kama ko. Long hair. Nakatalikod at tinakpan ng unan ang mukha. “Hoy, bakla!” biro daw niya. Hindi raw gumalaw yung nakahiga. Saka na lang niya nalaman na wala pala ako sa bahay.

May mga instances naman na may parang tumatakbo sa hagdan namin. Mabigat daw ang mga paa. Pati ako, one night, I was almost asleep when I heard someone calling my name. Dalawang beses inulit ang name ko. Lumabas ako ng room para tingnan kung sino. Sumilip ako sa terrace namin. Walang ilaw. I saw a shadow of someone standing near sa tanim naming balete. Sinino ko siya. Swear I saw a silhouette of a man. Nung igalaw niya ang arm niya bigla akong tumakbo ako pababa sa 2nd floor.

Tinext ako ulit ni Rose. Gusto raw ako makausap ng mommy ni Alex. Lammo, text ni Rose, ngppramdam raw c Alex sa haus nla. Hindi ako naniwala. Akala raw ng mommy niya galit ang kaluluwa ni Alex dahil nagbabasag raw ito ng mga gamit sa bahay nila. Nagpatawag siya ng ispiritista.

May message pala si Alex sa mommy niya.

Samahan mo q, reply ko kay Rose.

Nung makita ako ng mommy ni Alex bigla niya akong niyakap nang mahigpit. I was oblivious. She guided me to Alex’s room. Ang linis ng room: may wallpaper pa; may lampshade; may nakasinop na mga books sa study table. “Wait lang,” paumanhin ng mommy ni Alex. Magpapakuha daw siya ng pagkain sa katulong. We sat there sa bed ni Alex—si Rose (na nakapulupot sa braso ko) at ako. Bumalik ang mommy ni Alex, may dalang box ng snickers, at tumabi sa amin. Iniabot sa akin ang hawak niya.

I was dazed when I opened it. Mga letters ni Alex, all addressed to me. I didn’t think that Alex wrote these letters, some dated after na ng graduation. I didn’t realize his love was that strong.

Sleeping Quarters

Ang sabi nila, maraming mga lagalag na kaluluwa sa ospital dahil ilan sa mga pasyenteng inabutan ng flatline ay hindi pa conscious na patay na sila. Honestly, nang mag-medical intern ako sa isang malaking ospital sa E. Rod wala naman akong naging ghost encounter. Maraming mga kuwentu-kuwento tungkol sa mga multong nagpaparamdam sa ospital na iyon.

Napasabak na ako sa maraming ospital kahit sa labas ng Manila. Kung saan-saan rin ako napapadpad para sa mga medical missions ng university namin.

Hindi ko makalimutan ang experience namin ng mga kasama kong intern nang ma-assign kami sa isang mental institution.

Honestly, first time ko noong makapasok sa mental. Malaking gusali siya. Para siyang school pero may rehas ang mga classroom na parang kulungan. May takdang oras rin sila para lumabas ng mga ward pero sa garden lang sila pinapayagang lumaboy.

Natoka kaming mag-profile ng pasyente: kunin ang personal at (kung pwede) ang family background nila. Inatasan rin kaming i-monitor ang kalusugan at behavior nila araw-araw.

Karamihan sa mga pasyente ay tulala o umiiyak. Mga iniwan ng asawa o kasintahan. Mga tinunaw ng drugs ang utak. Bawal sa loob ang mga kutsara at tinidor o kahit na anong matulis at matalas na bagay.

Isang araw na may duty ako, bigla nila kaming inalerto. Nang lumapit ako, nakita ko ang isang pasyenteng duguan ang kaliwang mata. Sabi ng kasama kong intern, tinarakan daw siya ng ballpen ng isa pang pasyente. Nakasalisi raw iyong pasyente ng ballpen na gamit ng isang intern na nagmo-monitor. Nakapagtataka naman na hindi man lang umaray ang pasyenteng tinusok ng ballpen. Kakaiba. Honestly, parang wala siyang nararamdamang sakit.

Nang matapos ang rounds namin, nagpaalam ako sa senior nurse na naka-duty para mag-power nap sandali.

Honestly, mabigat na ang pakiramdam ko nang buksan ko ang pintuan ng sleeping quarters. Nakakasakal ang hangin. Ewan ko ba. Honestly , para akong mauubusan ng hininga noong moment na iyon. Baka dala lang ito ng naghalong antok at pagod. Two days straight na kasi akong naka-duty noon at para na rin akong isang pasyenteng nakalutang sa hangin o naglalakad sa ibabaw ng tubig.

May iba pang mga interns na nagpapahinga sa sleeping quarters. Biglang nagsara ang pinto. Pumitlag iyong isang intern na natutulog. Tiningnan lang niya ako. Nakatitig rin sa akin ang dalawang interns na nagkukuwentuhan. Honestly, sa sobrang pagkapahiya ko, pinamulahan siguro ako ng mukha. Abut-abot ang paumanhin ko sa kanila.

Nagtalukbong na ng kumot ang nagising kong intern. At ako naman ay naghanap na ng puwesto.

Madali akong nakatulog pero mababaw siguro ang tulog ko. Nanaginip ako.

Napaka-vivid ng panaginip ko. Nakahiga raw ako sa katre sa sleeping quarters nang maramdaman kong nagko-close in ang mga pader sa akin. Maraming braso na lumitaw sa pader at pilit akong inaabot. Hindi ako makapalag. Ni hindi ko maibuka ang bibig ko. Habang nananaginip ako alam ko nang binabangungot ako. Pinilit kong igalaw ang mga daliri ko para pisilin ang aking hita.

Nang maalimpungatan ako, bigla akong dinamba ng takot. Isa-isang yumugyog ang mga katre na parang lumilindol. Lumilindol yata, sabi ng isang intern. Lumilindol ba? Hindi naman umuuga ang fluorescent lamp na nakalambitin sa kisame. Hindi rin gumagalaw ang wall clock.

Hindi ito lindol. Kakaiba na ito. Tiningnan ko ang mga kasama kong interns, namumutla na rin ang mga mukha nila. Sh*t! Para talaga siyan horror movie.

Nagsisigaw kami lahat at the top of our lungs para humungi ng tulong. Nang huminto sa pagyugyog ang mga katre, tumakbo kami palabas ng quarters. Nakapagtatakang wala man lang pumunta sa room para tulungan kami.

Habol ang hininga, tinanong namin ang nurse na naka-duty kung narinig niya kaming nagsisigaw. Sabi niya—at sa gulat namin—wala naman daw siyang narinig na sumisigaw. Imposibleng hindi nila kami marinig. Ilang hakbang lang sa lugar niya ang sleeping quarters at tahimik sa lugar na iyon.

Ibinalita sa amin ng nurse na dating ward ang sleeping quarters. Nasunog ito noong araw at may mga pasyenteng nakulong at namatay sa loob.

May mga interns na rin dati na pinaparamdaman ng mga kaluluwa ng pasyente. Minsan may isang intern daw na natulog mag-isa sa quarters at bigla siyang nagising dahil biglang may humawak sa braso niya. Siya lang mag-isa sa kuwarto. Tumayo siya para silipin kung may tao sa labas at binibiro siya, wala siyang nakita. Minsan naman, may nakita ang janitor na taong naka-uniform ng pasyente na pumasok sa loob ng sleeping quarters. Dahil off limits ito sa mga pasyente, dagling pinasabihan ng janitor ang nurse na naka-duty. Pero nang pumunta sila sa quarters, wala namang tao sa loob.

Halos nabaon na sa limot ang experience kong ito sa mental institution. Isa na akong ganap na doktor ngayon. Anaesthesiologist na ako. Nagbalik lang sa akin ang mapanindig-balahibong ghost encounter ko nang itanong sa akin ng highschool friend kong writer kung may mga multo raw ba sa ospital. Honestly, hindi ko na lang pinansin. Pero marami kaming nasa sleeping quarters nang mangyari iyon. Tawagin mo itong mass hysteria o kung anuman. Bahala ka.

The Inmate

This experience happened almost a year ago. It was a Sunday and I was working on graveyard shift at a call center in Makati. My brother-in-law texted me at around 10PM and broke the news about my sister Karen who was still pregnant at that time. She was brought to this hospital in Manila and is already in labor.

After my shift ended at 2AM, I went straight to the hospital. I know it was a very popular maternity hospital and it is still today. At one point, I think a newspaper named it a "baby factory." Twenty percent of the babies born in Metro Manila are delivered at their maternity ward. Pregnant women opted to go there because the cost is cheaper than other hospitals.

When I arrived I somehow felt remorseful when I saw three mothers sharing one bed. This is my sister’s panganay but she and her husband haven't saved enough for a private hospital. They just graduated from college when my sister broke the news that she's 3 months pregnant.

The hospital was so crowded and the air was thick with the odor of poverty. I lacked sleep the day before and my blood pressure was high. (Before I left the office, I had a check-up with the clinic nurse and took Catapres twice.) My sight was blurry and my face was half-numbed. I had a hard time searching where my sister was.

I took rounds from ward to ward and got dizzy looking at numbers of pregnant women with tubes on them and their families by their side. The smell of disinfectant lulled me until I saw my brother-in-law standing outside the discharge patio, key-ing something at his cellphone. He saw me walking towards him.

"’Asan si Karen?" I asked him.

"Nagle-labor pa raw eh," he said.

"Ahh.." I replied and saw him going back to his texting. "Nakapagdala ka ba ng pera?" I prodded him again.

"Konti lang," he answered with a heavy face.

My brother-in-law said the doctor told him my sister needed a C-section. It costs 6K. He only brought 2K, enough for a normal delivery. I only have less than 500 on my wallet so told him I'll look around for an ATM to get more money. My face was still numbed when I left him.

I was walking past the corridor when I felt something heavy over my right shoulder like a hand. I immediately turned my head to my right side. There was nothing. I was alone and the rooms to my left were closed or abandoned. The lights were also dim. I could hear the whirr of the yellowed florescent lights. There were posters on the wall to my left. When I passed by one with a glass cover, I was shocked. I saw two reflections. One was mine and the other was a shadow of someone else.

I turned around again, patay-malisya, and just saw the darness that had swallowed the corridor where I entered. Kinilabutan ako. I heard my heartbeat racing. I walked faster looking straight ahead. I didn't want to take glances, I might see the images that I was already seeing in my head.

At last, I was out of that labyrinth. I saw some nurses in uniform, smoking and talking to each other. They were looking at me with questions in their eyes. I thought they were just surprised when they saw me coming because I emerged from the dark. I just smiled at them and asked them where the nearest ATM was.

"Samahan na namin kayo, ser?" one of them offered.

The other two: the fat girl was almost crushing the gay guy’s arm. He said, “Aray! Ano ba!”

"Hindi na lang. Thanks," I told them while waving my hand left and right. I went to the direction they had given me.

I found myself walking alone again. At the back of my mind, I was thinking that the nurses’ eyes were glued to me while I shrink away at their sight. Then I heard a Psssst. I didn't mind it. I assumed it was the swish of the wind or something. But when I heard it again Pssssssst.. it was louder now. I was patay-malisya again. Maybe someone was just having his laugh trip. But after a few second, something cold held my arm. I thought it was the male nurse who followed so I turned around. I was shocked. There was nobody at my back.

Finally, it sank in. I just had two ghost encounters that day. It wasn’t just a coincidence. I was so paranoid when I stepped in front of the ATM and took money from my savings.

When I went back to the discharge patio, my brother-in-law wasn’t there. So I texted him: Nasaan ka na? He replied he was already inside. The doctor had just delivered my sister’s baby.

I went inside and saw the male nurse who offered his help to me awhile back.

“Nakita n’yo, ser?” he queried.

Yes, I said.

“Nga pala, ser,” he pursued, “may nakasunod daw sa inyo kanina.”

“Ha?” I was lost for words.

He said the girl he’s with awhile back was sort of psychic. She saw someone tailing me when I went out of the hall. “Lalaki daw, ser. Matanda.”

Later I learned from him that that side of the hospital was once a part of a prison hospital. Back in 1951, it was rehabilitated and more buildings were added after a decade. They just renovated the old building and added some floors. I realized I was tailed by the ghost of a dead prisoner.

“Samahan ko na kayo, ser,” he presented again. “Sa’n po ba kayo?”

“Sige na nga. Baka nakasunod pa sa ‘kin ‘yung multo,” I joked. We laughed at my embarrassment.

When I saw my brother-in-law, I just smiled and congratulated him. My sister gave birth to a baby boy. Whenever I tell my friends about this story, they always fall silent when I ended it.

Friday, December 21, 2007

Reyna Elenang Pugot

NAKANGANGA SIYA SA harap ng TV. Miyerkules ngayon. May featured film ni Sharon Cuneta sa ABC 5.


You're nothing but a second rate, trying hard, copycat!


Ginagaya niya ang buka ng bibig ni Cherie Gil sa 'Bituing Walang Ningning'. Para siyang goldfish na inaatake ng asphyxiation.


"Hoy, Bebang! Ano ba't nakatunganga ka na naman d'yan sa harap ng TV. Nakatambak ang mga huhugasan mo sa lababo. Hindi 'yan maglalakad papunta sa 'yo, aba!"


"Opo, inang," sabay hitsa ng hawak niyang walis-tambo.


Padabog siyang tumungo sa lababo.


NAGMIMITING SA KAPILYA ang mga kababaihan ng Confradia de Nuestra SeƱora Maria Dolores y Matabungcal. Sa mga pagkakataong ito nagagamit ni Bebang ang kanyang supersonic bionic ear.


Nagsu-shortlist ang mga manang kung sinu-sino ang mga kukunin para sa gaganaping santakrusan.


Shempre automatic na Reyna Elena ang anak ni Misis Cheng. Para saan ba't siya ang hermana mayor ngayong taon at todo-todo ang press release niyang libu-libo na ang nasunog niyang pera para sa damit ng mga santo.


Sa Maynila pa nag-aaral ang anak ni Misis Cheng, si Lucy. Makinis ang mala-porselanang balat. Alaga sa imported na coco buttermilk lotion. Malulusog ang mga tanim niyang pakwan sa dibdib. Ang pula ng kanyang mga labi. Pwedeng maging commercial model ng Revlon non-stick lipistik.
Luluwas daw siya sa unang linggo ng Mayo. Nasasabik ang mga manang at para na raw silang makakakita ng artista.


BATA PA LANG si Bebang ay pinangarap na niyang maging Reyna Elena. E ano kung popondohan ni Misis Cheng ang buong santakrusan. E ano kung mukhang bomba star si Lucy Cheng.


Matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong ito. Nakikipagtulakan pa siya sa mga deboto ng Nazareno sa Pista ng Quiapo para matupad lang ang kanyang natatanging hiling.


Dito naman buo ang suporta ng kanyang ina. Alaga siya sa mga beauty contest simula pagkabata. Munting Mutya ng Kuribang. Little Miss Ramelon. Kahit buhul-buhol ang boses niya pilit din siyang isinasali ng nanay niya sa mga amateur.


Naaalala pa niya ang laging sinasabi ng nanay niya sa mga kumadre nitong tsismosa. Magiging artista siya paglaki. Siya ang mag-aakyat ng pera sa bahay. May balat kse siya sa pigi, sa tapat ng bulsa. Magiging bomba star siya.. katulad ni Lucy Cheng. Che!


Bakit pa kasi simula pagkabata ay karibal na niya sa mga paligsahan ang anak ni Misis Cheng. Kaya hindi siya manalu-nalo kapag sponsorship na ang laban. Che!


Habang nagbabasa siya ng Kislap magazine ay biglang dumating ang kanyang ina.


"Hoy, Bebang, nakapagsaing ka na ba?"


"Opo, inay. Dala n'yo na ba?" Sinisilip niya ang laman ng supot sa kamay ng kanyang ina.


"Heto. Ang daming may kursunada diyan sa ukay-ukay. Nakipag-away pa ako. Napunit tuloy ang gilid. Bayaan mo, tatahiin ko na lang. Hindi naman halata. Tapalan na lang natin ng sequins at ruffles galing sa kurtina."


"Inang naman.." yamot niya.


"E kung dagukan kaya kita d'yan," sabay-bato sa kanya ng dala nito. Sakto namang sa mukha niya lumanding ang supot. "Puntahan mo yung sinasaing mo't baka masunog na naman. Kung ayaw mong pakainin na naman kita ng tutong."


Mistulang bagong banat ang mukha niya sa pagkakangisi nang tumayo para pumunta sa kusina. Spread-eagle sa kanyang mga kamay ang lumang gown na binili ng nanay niya sa ukay-ukay. Konting laba lang 'yan ng paborito niyang bareta para na 'yang galing UK.


IMBITADO ANG BUONG confradia sa welcome home party ng anak ni Misis Cheng.


"Ayan na siya! Ayan na siyaaa!" sigawan nila. Para namang si Sharon Cuneta ang dumating. Bumaba siya sa magarang sasakyan.


"Ay, ang ganda naman ni Lucy!!"


"Ang ganda naman ng suot niyang kuwintas. Ang laki ng bato!"


Swarovski raw yun, sabi ni Lucy.


"Ano kamo? Sharobski?"


Ang mga hikaw naman niya may mga kumikislap na diyamante.


Ngitngit na ngitngit si Bebang at halos madurog niya ng hawak na tinidor ang leche flan sa kanyang plato. Naisip niyang isalaksak sa lalamunan ni Lucy ang tinidor na hawak niya.
Che!


Nakita niya kung papaano maglaway ang mga kalalakihan sa malulusog na mga papaya ni Lucy. Kinapa niya ang sarili niyang mga dibdib. Lumubog yata ang dalawang tansan sa dibdib niya.
"HINDI! HINDI PUWEDE!! Ako ang magiging reyna elena!!"


Nanlilisik ang mga mata niya sa liwanag ng mga itim na kandilang binili niya sa Quiapo. Ikinandado niya ang sarili sa kuwarto at pinatay niya ang mga ilaw.


"Hindi puwede!! Nyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!!"


At dala ang kanyang voodoo doll, lumabas siya sa kuwarto at dumiretso sa bahay ni Lucy Cheng.


NAGTAGO SIYA SA likod ng tukador. Hindi napansin ni Lucy ang pagpasok niya sa kuwarto. Kagagaling lang nito sa banyo at nakabalot pa ng tuwalya ang kanyang ulo.


Habang nagpapahid si Lucy ng imported na coco buttermilk lotion sa kanyang mga hita, biglang bumulaga si Bebang sa likod niya.


"Ay, kabayo!"


Napatalon si Lucy sa ibabaw ng kama na parang dinapuan ng ipis sa batok.


"Sino ka?"


Hawak ni Bebang ang tinidor na kinupit niya noong handaan. Nanlilisik ang kanyang mga mata at ngayon ay kahawig na niya si Lavinia sa 'Bituing Walang Ningning'.


"Ako si Bebang. Beverly Vergel. Hindi ako yung artista. Mas bata ako sa kanya. Halata ba?"


"Weno ngayon?"


Nang mahimasmasan si Lucy ay namukhaan niya ang kaharap. "Bebsi? Ikaw si Bebsi?"


"Beverly para sa 'yo, ineng."


"Ano'ng kailangan mo sa 'kin?"


"Iisa lang ang may karapatang maging Reyna Elena ngayong taon. At iyon ay ako! Muwahahahaha!" Sinigurado niyang magagaya niya ang tawa ni Luz Valdez for added effect. Para masindak lalo si Lucy.


"Pero.. Bakit? Paano?"


"Duh! Di mo pa gets."


"Hinde e. Teka, bigyan mo 'ko ng chance."


"Isa lang sa atin ang dapat matira. At dahil kailangang ako ang mabuhay. Kailangang patayin kita! Muwahahahahahahahaa!!" Hindi niya sinadya pero kumislap ang ilaw sa kuwarto. For added effect.


"Kailangan kitang patayin!! Kailangaaaaaann!!!"


Hindi napansin ni Bebang ang nahulog na mga unan sa lapag nang tumalon sa kama si Lucy. Naapakan niya ang unan at siya ay nadulas.


Humagis ang tinidor sa ilalim ng kama.


Nakakita ng pagkakataon si Lucy at sinugod niya si Bebang. Pero bago pa man siya makalapit ay nakadampot na si Bebang ng mga gamit na nakapatong sa tukador. Initsa niya ang mga ito kay Lucy na parang mga shuriken.


Umilag si Lucy sa paparating na mga lumilipad na gamit niya. Lumiyad siyang parang si Trinity sa Matrix. Pinanuod niya iyon ng limang beses.


Dumayb sa kanya si Lucy at nadulas uli siya dahil sa natapong imported na coco buttermilk lotion sa sahig. Nagpagulong-gulong sila sa sahig. Sinasabunutan ni Lucy ang buhok niya. Hindi siya makakapayag. Siya ang bidang kontrabida sa kuwentong ito.


Tinadyakan niya sa bayag si Lucy pero dahil walang bayag si Lucy ay kinurot na lang niya ito sa singit. Umaray si Lucy. Nakakita siya ng pagkataon. Tinangka niyang sakalin si Lucy pero nakabuwelo ito at nakuhang makatayo.


Inabot niya ang mahabang buhok ng papalayong si Lucy. Masyadong madulas at malambot ang buhok ni Lucy kaya nakaligtas ito sa kanyang kamay. Next time, sabi niya sa sarili, gagamit na rin siya ng conditioner.


Nadampot niya ang pink na pang-ahit ni Lucy. Sinugod niya si Lucy at dinakma niya ito sa leeg. Nadulas din si Lucy sa nagkalat na mga unan.


Itinaas niya ang pink na pang-ahit sabay sabing, "Katapusan mo naaa!!"


Gamit ang pang-ahit ay unti-unti niyang nilaslas ang leeg ni Lucy. Nahirapan siya dahil medyo mapurol na ito. Pero pagkatapos ng ilang minuto ay narating ng bleyd ang karotid at jugular ni Lucy. At namatay itong fresh at bagong ligo. Natupad rin ang kanyang death wish kahit paano.


DAHIL SOUND-PROOF ANG kuwarto ni Lucy ay kinabukasan na natagpuan ang kanyang malamig na bangkay. Natulala si Misis Cheng nang buksan niya ang pinto. Nalunok niya ang buto ng santol na nilalapa niya. Nabasag ang garapon ng bagoong na kanyang nabitawan.
Si Bebang ang hinirang na Reyna Elena. Bidang-bida sa buong barangay ang suot niyang gown na akala nila ay galing UK. Sa wakas, nagamit na rin niya ang liquid foundation na matagal niyang pinag-ipunan.


Habang nakasabit siya sa braso ng kanyang konsorte na kahawig ni Isko Moreno ay bigla siyang napatingin sa isang madilim na eskinita.


Ano ito? May naaaninag siyang babaeng nakaputi. Pinikit-pikit niya ang kanyang mga mata ng tatlong beses at nakilala niya ang katawan ng isang babaeng naka-gown. Namukhaan niya ang pugot na ulong hawak nito. Nakatitig sa kanya ang nanlilisik na mga mata ni Lucy Cheng!


Sa pagkagulat ay kumalas siya sa pagkakakapit sa kanyang konsorte na nadukdukan ng lusis sa mukha. Napatid niya ang batang Constantino at nasubsob ang mukha nito sa lupa. Tumakbo siya. Tumakbo siya nang tumakbo. Hindi ito maaari. Hindi ito maaaring mangyari. Patay na si Lucy Cheng! Pinatay na niya si Lucy Cheng!!


Tumakbo siya. Tumakbo siya sa pinakamatulin na kaya niyang takbuhin. Nagpa-pump ang adrenalin niya at sa wakas ay nag-eexpand ang dibdib niya. Tumakbo siya nang tumakbo at dinaig niya si Lydia de Vega. Hanggang sa mahulog siya sa isang bukas na manhole at nilamon siyang buo ng imburnal.

Sa Mumu, Wag Matakot!

NASA metaphysics versus dialectical materialism kami nang humingi ng 10-minute break ang mga kasama. Labing-isa kami; kalahati ay tambutso.

Unang gabi sa lumang bahay. Sumasapin sa alingawngaw ng boses namin ang sitsit ng mga kuliglig.

Biglang nagpulasan mula sa kuwarto ang mga nagyoyosi.

"Diyan namatay ang lolo ko," paliwanag ng may-ari.

"DM! DM!" pagbibiro ni Jean-Paul.

"May mga ginabing NPA na nakituloy sa masa," ani Ezra. "Nilooban dati ang bahay. Nireyp at pinatay ang dalaga sa CR na pinagmumultuhan.

“Hindi pala ito ginalaw. May mga bakas pa ng natuyong dugo. Nang linisin nila, hindi na narinig ang umiiyak tuwing hatinggabi.”

[lumabas sa http://www.panitikan.com.ph/fiction/samumuwagmatakot.htm]