Monday, March 2, 2009

Necklace

Tungkol ito sa pinsan ko sa Laguna, si Ruth. Sixteen lang siya noon. Tahimik at mahinhin si Ruth. Hindi makabasag-pinggan, sabi nga.

Isang araw, naglalakad si Ruth papunta sa sakayan ng traysikel malapit sa grocery. May napulot daw siyang isang kuwintas. Kulay-gold at may locket pa na korteng puso. Kumikinang daw ito nang mapansin niya sa tabi ng kalsada. Siya lang yata ang nakakita. Suwerte niya.

Nang makauwi si Ruth sa bahay ipinakita niya agad sa nanay niya ang kuwintas. Napansin din ng nanay niya ang locket.

Hindi niya matungkab, sabi ni Ruth.

“Gamitin mo ‘yung kutsilyo,” sabi ni auntie.

Nagmamadaling pumunta si Ruth sa kusina para kunin ang kutsilyo.

Pagbalik namumutla na siya, may balot na basahan ang kaliwang kamay.

“Ano’ng nangyari sa iyo, anak?” Biglang ninerbiyos si auntie.

Nadulas ang kutsilyo. Nahiwa ang hintuturo sa kaliwang kamay ni Ruth. Ayaw maampat ng dugo.


Nabuksan ni Ruth ang locket. Sa loob, isang picture ng babae, bata pa, ginupit din na korteng-puso para magkasya sa lalagyan. May nakaukit din na letrang R. Baka kapangalan pa niya ang babaeng nakawala ng kuwintas.

Isinuot ni Ruth ang kuwintas.

Kinabihan (siguro dahil sa nawalan ng dugo) nilagnat si Ruth. Kinumbulsyon daw siya, sabi ng mga kamag-anak namin doon.

Nagsasalita raw si Ruth habang natutulog. Hindi mo naman maintindihan ang sinasabi. Parang bumubulong. Parang naglilitanya ng kung ano. Parang may tinatawag.

Madaling-araw kinabukasan, bigla na lang daw bumangon si Ruth sa higaan.

Naramdaman daw ni auntie na may nagbukas ng pinto sa kuwarto ni Ruth. Magkatabi lang ang pintuan ng mga kuwarto nila. Naalimpungatan. Bumangon ito. Lumabas ng kuwarto. Nakita niya si Ruth, nakatalikod, pababa ng hagdan. “Anak…” tawag niya. Pero dire-diretso lang si Ruth papunta sa kusina.

Humarap si Ruth sa paminggalan. Naka-pajama pa at nakayapak. Binusisi niya ang mga pinggan at platitong nakasalansan, parang may hinahanap.

“Ruth,” tawag ng nanay niya na huminto sa gitna ng hagdanan. Sinilip siya.

Hindi sumagot si Ruth. Patuloy lang sa pagbusisi.

Nang mga sandaling iyon, may napansin si auntie sa anak niya. Parang mas mahaba ang buhok Ruth. Mas malapad ang balikat. Parang hindi si Ruth na anak niya. Pagtingin niya sa ibaba, puro putik ang mga paa ni Ruth. Biglang kinilabutan ang nanay niya. “Diyos ko, Ruth!” sigaw nito.

Nagising ang tatay ni Ruth. Tumakbo pababa ng hagdan.

“Bakit?” pagtataka nito. Naabutan niya ang asawang nakaupo sa panggitnang baitang ng hagdan. Nakabaon sa mga kamay ang mukha at umiiyak. “Bakit, nay?” ulit nito.

“Si Ruth,” sagot ni auntie.

“Si Ruth?” pagtataka ni uncle. “Si Ruth. Naandun sa kuwarto niya. Natutulog pa.”

“H-ha? Paano?” Sinilip ni auntie ang paminggalan. Walang tao.

Umakyat ang mag-asawa at pinuntahan ang kuwarto ni Ruth. Nandoon nga si Ruth, mahimbing na natutulog. Nanginginig daw ang mga kamay ni auntie.

Hindi nila alam kung namalikmata lang si auntie. O naglakad habang tulog si Ruth. Somnambulism. O naglagalag ang kaluluwa niya. Pero hindi roon nagtapos ang mga kakaibang nangyari sa pinsan ko.

Parang laging may ibang tao sa kuwarto ni Ruth. Masyadong mabigat ang pakiramdam nila auntie kapag pumapasok sila sa kuwarto. Nito lang sinabi ni uncle, bandang alas sais ng gabi iyon, sinilip niya si Ruth sa kuwarto. May nakita raw siyang isang babaeng nakaupo sa tabi ni Ruth. Kahawig ni Ruth kapag nakatalikod. Suot din ang damit nito. Nakayuko at nakatingin kay Ruth habang natutulog.

Isang linggo ring binatbat ng lagnat si Ruth. Hindi nila nalaman ang totoong dahilan.

Pero noong huling araw na may sakit siya. kumunsulta sila sa isang magtatawas. Nakatatakot ang resulta. Tinanong daw sila ng magtatawas kung may nabili ba si Ruth nitong mga nakaraang araw. Kung may napulot ba siya o ibinigay sa kaniya.

‘Yung kuwintas lang na may locket ang naisip ni auntie.

“Nasaan ang kuwintas?” agad na usisa ng magtatawas.

Suot-suot pa rin ito ni Ruth.

Agad na ipinatanggal ng magtatawas ang kuwintas.

Binalot nila ng diyaryo ang kuwintas kasama ng tinunaw na insenso at abo. Ibinaon daw nila sa hukay sa tabi ng kalsada sa tapat ng bahay nila.

Bigla raw bumaba ang lagnat ni Ruth. Bumangon ito na parang walang nangyari.

Isang araw, may nabasa sa diyaryo si auntie. Nahukay ang bangkay ng isang babae sa isang bakanteng lote. Pinagsamantalahan daw ang babae, sabi sa balita. Nagulat si auntie nang makita sa diyaryo ang picture ng babae. Kamukha ito ng babae sa locket na napulot ni Ruth.

Hindi nila alam kung paano napunta sa kalsada ang kuwintas ng biktima. Ngayon nasa Singapore na ang aking pinsan at doon na nagtatrabaho.

Mrs. Dee

I was fortunate I got a job agad sa isang private hospital kahit hinihintay ko pa lang yung results ng board exam ko.

Yung first patient ko matandang Intsik. After a few days sa ospital inuwi na sa bahay nila. Kinuha akong caregiver.

After one week nagulat na lang ako sa text nila sa akin. Na-coma yung pasyente ko. Hindi natapos ang araw naka-receive ako ng balita. Namatay na siya. Nasa bahay kasi ako nun, day-off ko kaya kinilabutan talaga ako. First patient ko pa naman siya.

Bumalik ako sa hospital. Buti na lang tinanggap ulit ako ng admin. Kamag-anak kasi ng bf ko yung nagwu-work dun. Buti na lang kakosa rin niya yung mga resident doctors.

Isang Intsik ulit ang na-assign sa aking pasyente. Tawagin na lang natin siyang Mrs. Dee. May problema siya sa kidneys. 35% na lang ng kidneys niya ang gumagana. Matanda na rin kasi siya kaya hindi na magandang option ang operasyon.

“Malas mo, girl,” warning sa akin ng co-nurse kong si Ella.

“Bakit naman?” pagtataka ko.

“Si Mrs. Dee ang na-assign sa iyo. Alam mo ba ibig sabihin nun?”

Napatanga na lang ako.

“Matinik yang si Mrs. Dee,” sabi ni Ella. “Walang nakakasundong nurse yan, girl. Para yang me galit sa mundo.”

“Ganun ba?” sabi ko.

“Girl, lahat dito hindi niya kasundo. Minsan nga binabato pa niya ng gamit ang mga nurse. Matigas talaga ulo niya. Ingat ka.”

“O-okei. Thank you,” sabi ko.

Habang naglalakad ako papunta sa kuwarto ni Mrs. Dee naiisip ko na ang mga mangyayari. Paano ko siya aamuhin mahirap pala siyang makasundo? Baka mahirapan akong kunin ang bp niya. Baka mahirapan akong i-check ang dextrose niya pati yung ihi niya. Paano ko siya paiinumin ng gamot? Nagsasalimbayan ang mga ito sa utak ko.

Huminto ako sa tapat ng kuwarto ni Mrs. Dee. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto.

“Hello po,” nakangiting bati ko sa babaeng pasyenteng nakagapos sa dextrose. Nang mga pagkakataong iyon ay sinasalinan din siya ng malinis na dugo.

“Good evening po,” bati ng isang babaeng nakaupo malapit sa kama at nanunuod ng TV.

“Check up lang po,” sabi ko sa kanya. “Kayo po ang anak ni Mrs. Dee?”

“Pamangkin niya ako,” sagot sa akin ng babae.

“Ganun po ba? Check ko lang po ang bp niya.”

Nahirapan talaga ako kay Mrs. Dee. Itinataboy niya ang kamay ko habang tsine-check ko ang braso niya. Ni ayaw niyang palapitan.

“Ganyan talaga yan,” paliwanag ng kamag-anak niya.

“Salamat po,” sabi ko, “babalik na lang po ako after awhile.” Salamat naman at nakahinga na ako ng malalim.

The next time na pumasok ako sa kuwarto ni Mrs. Dee abut-abot ang ngiti ko. Todo-todo talaga ang rapport ko sa kanya. Hindi siya nagsasalita sa umpisa. May pagkayamot sa mukha niya. Nakatingin siya sa pader habang tinitingnan ko ang sitwasyon niya.

Pero isang beses nagulat na lang ako. Paalis nko ng kuwarto ni Mrs. Dee nang bigla niya akong tawagin. Nagulat din yung bantay niya.

“Bakit po?” pagtataka ko pero nakangiti pa rin.

Nagpapahatid pala siya sa CR.

Kinabahan ako. Muntik na ako mag-panic. Naisip ko kasi yung warning sa akin ni Ella at ng iba pang mga nurse. Na notorious si Mrs. Dee.

Pero mali pala ako. Mula noon naging close na kami ni Mrs. Dee.

“Sosyal!” tukso sa akin ni Ella.

“Anu ka?!” pamumula ng mukha ko.

“Magsabi ka nga. Ano’ng ipinakain mo dun sa matanda?” usisa pa ni Ella.

“Huy wala ha!”

Buhat noon nakakabiruan ko na si Mrs. Dee. Kapag may ibang nurse na pumapasok sa kuwarto niya lagi pa rin siyang nagwawala. Ako raw lagi ang hinahanap niya.

Day off ko ulit nang matanggap ko ang balita. Na-coma raw si Mrs. Dee. Lunus na lunos ako. Malas ata ako sa pasyente, lagi na lang silang naku-coma.

Pagpasok ko sa kuwarto ni Mrs. Dee. Tahimik na siya. Ang tanging maingay na lang ay iyong makinang nakakabit sa kanya para kunan siya ng heartbeat.

“Kumusta pasyente mo?” tanong sa akin ni Ella sa nurse station.

“Ayun…” sabi ko. Alam na siguro niya ang nangyari kay Mrs. Dee.

“Okay lang yan, girl,” alo niya.

“Hay…” sabi ko sabay talikod.

“O sa’n ka pupunta?”

“Tulog muna ‘ko sa quarters.”

“Tapos na shift mo?”

Tumango na lang ako sa pagod. Hindi na ako nakasagot.

Nasa loob na ako ng quarters nang may mapansin akong pasyenteng nakaupo sa labas. Restricted area ang sleeping quarters. Bawal doon ang mga pasyente at bisita. Tumayo ako para dunggulin ang pintuan.

Si Mrs. Dee pala.

“Hay, Mrs. Dee!! Ba’t nandito kayo? Bawal kayo rito” pagtataka ko. Hinawakan ko siya sa braso.

“Nauuhaw ako,” bulong niya.

“Ha? Teka kukuha ko kayo ng tubig. Upo muna kayo dyan.”

Pumunta ako sa water station para kumuha ng tubig. Pagbalik ko sa hilera ng mga upuan. Wala na si Mrs. Dee. Nasaan na kaya yun? bulong ko sa sarili.

Wala akong ka-aydi-idea nang bumalik ako sa nurse station.

“Girl, alam mo na?”

“Ang alin, girl?”

“Yung pasyente mo si Mrs. Dee binawian na ng buhay.”

“Ha?!” Namutla ako. Nalaman ko na lang kay Ella na yung mga oras na nakita ko si Mrs. Dee sa labas ng sleeping quarters yun yung oras na namatay siya.

Ikinuwento ko ang nangyari kay Ella. Pati siya kinilabutan.

Klaymb

Tuwang-tuwa si Richard nang malaman niya na sasama ako sa pag-akyat ng grupo nila sa Batangas.

Nagkakilala kami sa isang joint climb ng mga mountain climbers galing sa iba’t ibang universities. Ang first impression ko nga sa kanya noon suplado kasi kahit ganoon ang complexion niya (mas moreno pa siya kay Richard Gomez) mukha pa rin siyang mayaman. Actually medyo secret crush ko nga siya noon dahil kahawig niya ang crush kong artista at taxi driver na si Richard Quan.

Siya ang team leader ng grupo nila. Naalala ko pa na pasulyap-sulyap siya sa akin sa mga activities mula nang ipakilala kami sa isa’t isa sa meeting place ng mga grupo sa Cubao. ‘Yung ngiti niya ang laging pumapasok sa isip ko. ‘Yung tipong ngiti ng true-blue babaero.

Advantage niya ‘yung ganoong attitude dahil nang lapitan niya ako noon habang nagpe-prepare kami ng pananghalian naging madali na para sa kanya ang pakikipag-usap sa akin. Siya pa nga ang nagdala ng lutuan at rice bag ko.

Nagbago ang first impression ko kay Richard (mas Richard Quan siya kesa Goma, buti na lang) dahil napaka-gentleman niya. Kapag magkasama kami lagi akong tumatawa. Kahit sa mga biruan namin hindi niya nakakalimutan na may respeto siya sa akin.

Medyo delikado ‘yung dapat sana ay una naming climb dahil Oktubre noon at nakabuntot pa rin ang siyam-siyam na pag-ulan. Kelangan talaga mag-ingat kahit na may guide dahil hindi ka sasantuhin ng panahon. Hindi mo alam kung kailan magbibiro ang kalikasan.

“Open na pala sa trekking ang Banahaw, baby. Akala ko bawal sa kanila,” kuwento ko sa kanya nang mabasa ko sa diyaryo.

“Puwede na ngayon maintenance climb,” paliwanag ni Richard. “‘Yung grupo nga nila Yayong me permission na ng DENR.”

“Ganun ba?” dugtong ko. Basa ulit ako ng diyaryo.

“Naka-ready ka na ba, baby?” tanong ni Richard sa akin.

“Uu.”

“Good,” sabi niya.

“Ay, sabi ni Kaptan iba na pala ‘yung trail na aakyatin natin sa Batulao.”

“Yep! Napa-update na ako run. Nga pala niregaluhan ako ni Mamang ng bagong gas stove.”

“Ows! Di nga?” excited kong usisa sa kanya.

“Joke! Pinahiram ako ng pera ni Mamang kaya nakabili na ako kahapon.”

Pinalo ko siya ng diyaryo sa asar ko. “Ikaw talaga! Lagi mo ko’ng binibiro. Huhu!” mukmok ko.

“Ikaw naman, baby.” Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa likod ng tenga ko. Kung saan ako may kiliti.


Araw ng climb, nagba-brunch ang grupo sa isang kainan sa Tagaytay, nang sorpresahin ako ni Richard.

“Ano ‘to?” tanong ko sa kanya nang abutin ko ang ibinigay niyang bagay na nakabalot sa plastik.

“Tingnan mo!” sabi niya na nakangiti.

“Sige na nga,” sabi ko habang tinatanggal ang balutan. “Ikaw talaga! Ang kuripot mo. Nakaplastik lang talaga.”

“Hehehe…”

Pagbukas ko, isang shawl na kulay pula at orange ang regalo niya sa akin. Halos maluha ako sa tuwa.

“Happy anniversary…” bulong ni Richard sa tenga ko.

Sinalubong ko ang akbay niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Palakpakan ang mga kagrupo niya habang tinutukso kami.

“Kiss! Kiss naman diyan!” “Wala bang kiss diyan?!”

Itinali ko agad sa dibdib ko ang bigay niyang shawl.

Idinampi ni Richard ang likod ng kamay niya sa leeg ko. “Mainit ka, baby.”

May lagnat nga ako noon. Medyo nasisilaw na ako sa liwanag.

“Sisipunin yata ako,” sabi ko sa kanya.

“Wag ka na kayang sumama sa pag-akyat.”

“Okay lang sa ‘yo?”

“Oo naman. Maiwan ka na rito. Ibibilin ko kina Tita Belle na dun ka muna sa kanila.”

Buti na lang may bahay ang tita ni Richard sa Tagaytay.

Pero nang dumating na kami sa bahay ng tita niya hindi rin ako mapakali. First climb namin iyon na magkasama. Kaya pinilit ko rin siya na sumama na lang ako.


Sa base camp, nagsimulang sumakit ang ulo ko. Parang kumikibot talaga ang mga ugat sa ulo ko.
“Magkakatrangkaso ata ako,” sabi ko kay Richard.

Na lumala pa. Dahil nang pumunta ako sa CR para magbanyo (shempre) Nadulas ako sa sahig.

Na-sprain ang kaliwang paa ko. Iika-ika akong naglakad palabas ng CR habang inaalalayan ako ni Richard.

Sign siguro iyon. Hindi na talaga ako pinayagan ni Richard na sumama sa grupo nila. Nagpaiwan na rin ‘yung isang babaeng kasama nila para asikasuhin ako.


Nagsimulang umambon ilang sandali lang pagkatapos nilang umalis. Sinasabi ko na nga ba, sabi ko sa sarili ko. Bigla akong kinutuban. Biglang lumakas ang ulan. Parang gripo na bumuhos ang balde-baldeng tubig.

Walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan. Sobrang alala ko. Malamang ma-stranded sila sa trail.

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang umalis sila nang mamataan kong may mga paparating sa base camp.

Paika-ika akong lumapit sa grupo ng mga mountaineers. Hinanap ko si Richard.

Inisa-isa ko ang mga mukha nila. May mga mukhang hindi ko kilala. Mga na-stranded din siguro sa pag-akyat. Basang-basa sila ng ulan. Namumutla na ang mga labi nila.

Lumapit sa akin ang pinakamatanda sa grupo. ‘Yung itinuturing nilang tatay.

“Si Richard?” bungad ko sa kanya. Mahigpit kong hawak ang shawl na nakatali sa leeg ko. Ang shawl na bigay ni Richard.

“Gayen…” pabulong niyang sabi. Hinawakan niya ang braso ko. Nangalisag ako sa hawak niya. Nangungulubot na ang mga palad niya sa pagkakababad sa ulan.

“Ano?!” ‘Yun lang talaga ang nasabi ko. Nagsimula akong kabahan sa ayos ng kaharap ko.

“O my God!”

Nanginig ang laman ko.

“Gayen,” sabi niya, “Nagka-landslide. Natabunan ang bf mo.”

Hindi siya nakaligtas. Si Richard. Wala sa kanila. Hindi nila kasamang bumaba.

Pumalahaw ako ng iyak. Hanggang sa kinagabihan, nang natutulog na silang lahat. Paika-ika akong naglakad papunta sa labas ng bahay sa base camp. Basa pa ang lupa.

Nagulat ako. Sa gitna ng dilim, may isang lalaking paika-ikang naglalakad palapit sa akin.
Si Richard.

“Baby,” sabi niya, mangiyak-ngiyak. “Baby, nagka-landslide. Ako lang ang nakaligtas.”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Richard. Namatay silang lahat.

Hagdan

I was raised in a co-ed Catholic school somewhere in Caloocan City. Lately nagbabalik sa akin ‘yung grade school life ko run. Yung pagtatambay namin sa Science lab kapag first Friday mass. Yung paggamit namin ng plastic color-coded chips in place of money so we could buy things in our school supplies and food stalls (as if we were spending them in a casino).

And then there was this very big framed picture of an African nun who’s supposed to have founded the school as far as I can remember. She was I think around 50 years old. Masyadong malaki ‘yung portrait niya. Her freckles and wrinkles were very visible. She was wearing a black habit. Her name was Mother Rita.

Nakasabit yung portrait niya sa pader ng isang cellar stair. There was a door under the stair na may double lock (kasinlaki ng armfist namin yung mga padlock). Sabi nila nasa loob daw ng maliit na kuwarto sa ilalim ng hagdan ang lumang ataul ni Mother Rita.

When I was in Grade 4 nauso ang mga apparitions ng Virgin Mary at mga dancing sun. Kaya nag-emerge din sa school ang pag-ungkat sa history ng apparitions ng Virgin of Fatima sa tatlong bata sa Portugal. It had opened our little minds to the supernatural. No wonder may nabalita rin noon na batang sinapian sa ibang section. That student was brought to the chapel to be prayed on and blessed. And they said nang basbasan siya ng holy water umusok ang uniform niya.

One day there was a clamor sa klase namin. Nagpakita raw si Mother Rita sa chapel. May isang student na nakakita kay Mother Rita na nakaupo sa pinakaunang pew sa harap ng altar. Nakayuko siya at nagdarasal nang mataimtim. E wala namang tao sa loob ng chapel nang mga panahong yun dahil naka-locked ito nang mga ganung oras.

That was around the time na may nabalitang na-possessed na estudyante. I also heard na umusok yung maliit na crucifix na nakapatong sa gitna ng altar table nung dalhin siya run.

May isang lugar sa school namin na ginawang off-limits ng administrators at mga madre. Ito yung hagdan sa dulo ng 4th floor sa north wing. Hanggang 6 floors ang school namin kaya nagtaka kami kung bakit ganun ang ginawa nila.

They locked up both ends of that stair. They said it was so steep and it might cause accident especially sa mga grade school students na hindi maiiwasang magdaan dun. In fact, may naaksidente na nga raw dun. Isang madre.

Sabi ng kaklase ko nahulog dun si Mother Rita at dun din siya namatay. Nagpapakita nga run ang multo niya. Bumababa sa hagdan.

My mind conceived of the story.

That Friday, I waited after school to execute my plan. It was almost 6pm, wala nang klase at busy ang iba pang students sa paglalaro sa quadrangle.

I went to the 4th floor alone.

I was walking in the quiet corridor; passing by empty classrooms. The chairs were messed up. Hindi pa siguro umaabot dun sa floor yung mga janitors to clean them up.
I was careful not to get near the hedge para dumungaw. Baka kasi may teacher na makakita sa akin at ma-prefect pa ako.

At the end of corridor there were some more offices for the highschool department. It was a Friday. Nobody’s around. And then in a moment I saw the fence that they built to lock up the ghost stair.

My heart was racing but I tiptoed towards it. The iron railing became bigger and bigger. The place was so silent. I thought I was in one of those black and white movies waiting to get spooked at.

And then there it was. Ang matarik na hagdan. Lumapit ako sa iron bars. I held them. They were icy cold. I looked at the mahogany steps. They were really steep. I looked farther up. Up until I saw the other end of the stair, also held by locked up iron bars.

I felt as if I was in a part of cemetery. That I was standing outside of a mausoleum gate looking in. I was trying to imagine a grave in the stairwell. Napatingin ako sa karugtong ng steps sa 5th floor. There was an office dun pero sarado na rin.

Wala naman multo, bulong ko sa sarili ko. Baka hindi magpapakita si Mother Rita. Tumalikod ako para magsimula nang maglakad.

Nang biglang may tumunog sa itaas. Kalansing ng bakal. Sinilip ko ng mga mata ko. hindi ako gumalaw. May nakita akong anino. Tinitigan ko. Baka may tao lang. Gumalaw ang anino papunta sa pader saka biglang nawala.

Imposibleng anino ng tao yung nakita ko. Tumagos sa pader e. Anino ba yun ni Mother Rita? Hindi ko alam. Ang natatandaan ko masyadong malamig at tahimik sa lugar yun.