Sabi nila, kapag nawala sa iyo ang taong pinakamamahal mo para ka na ring namatayan ng kapamilya. Ganun siguro ang tumama sa akin nang mawala si Denmark. Nang mga panahon ding iyon nagsimula ang mga pagmumulto.
Isang linggo na akong umiiyak. Tinext ako ni Denmark a week ago na magkita kami sa mall.
Nawirduhan ako sa pagiging tahimik ni Denmark habang kumakain kami. The usual: salpicao sa kanya; pork adobo naman sakin.
Pagkatapos naming kumain bigla niyang tinawag ang pangalan ko.
Bigla siyang nakipag-break sa akin. Tinanong ko siya kung bakit. Isang nagyeyelong sorry lang ang sagot niya. Tas bigla siyang tumayo at umalis habang naiwan akong nakatanga.
Hindi ko maubos-maisip kung ano ang dahilan ng pakikipag-break sa akin ni Denmark. Third party ba? Huling usap namin napagkasunduan namin na aayusin namin ang lahat sa relationship tas bigla siyang gaganun. Para akong gamit na basta na lang binitawan.
Isang tanghaling tapat noon, nakahiga ako sa kuwarto sa 3rd floor ng bahay namin. Pagud na pagod na ako kakaiyak. Nakatingin ako sa siwang ng pintuan. naririnig ko ang huni ng mga ibon na dumadapa sa mga tanim naming halaman. Unti-unting bumabagsak ang mga mata ko.
Bigla kong narinig ang pangalan ko. Basag ang boses. Parang uwak.
May nakita akong dumaan sa likod ng pinto. Bigla akong bumangon. Chineck ko kung may tao dahil alam ko namang ako lang ang nasa 3rd floor noon. Walang tao. Sumilip ako sa hagdan. Wala ring tao sa 2nd floor. Baka namalengke ang lola ko na tanging kasama ko sa bahay.
Isang lalaki. Naka-tshirt na puti yata. Naka-short. Nakita ko siyang dumaan sa likod ng pintuan. Pumasok ang anino niya sa kuwarto.
Sino’ng boses yung tumawag sa pangalan ko? Hindi ako nakapag-isip nang maayos. Tuyong-tuyo na ako kakaiyak. Idinaan ko na lang sa tulog.
Noong umalis si Denmark, iniwan niya ang puso niya sa akin. Hindi niya binalikan. Araw-araw pumapasok siya sa isip ko. Kahit nagliligpit ako ng pinagtulugan. Kahit nagpapasok ako ng mga labahin sa washing machine. Kahit naglalakad ako sa kalsada.
May mga panahon na akala ko siya yung lalaking nakatayo sa tapat ng pintuan ng MRT. Akala ko siya yung makakasalubong ko mula sa malayo habang naglalakad ako sa kalsada. Kahit sa kuwarto ko—sa mga kumot at unan—para bang naiwan doon ang amoy ng pabango niya.
Nasa bukana ng eskinita namin ang bakery ni Aling Lena. Tuwing umuuwi ako binabati niya ako ng ngiti. Siguro napansin niya ang bigat sa mukha ko kaya sinusundan niya ako ng tingin. Pero hindi na siya ngumingiti pag dumaraan ako. Kakaiba. Nakakunot ang nuo niya.
Isang hapon pauwi gutom na gutom ako kaya bumili ako ng tinapay sa b akery.
“Anak,” sabi ni Aling Lena, “’wag ka sanang mabibigla.”
Hindi ako nakaimik. Nagtaka lang ako kung ba’t siya magsasalita ng ganun sa akin.
“Anak, kasi…” sabi niya, “kasi laging may nakasunod sa iyo.”
Tumingin ako sa likuran ko. Wala namang tao.
“Kayo naman, Aling Lena. Tinatakot nyo naman ako.”
Kinuha ko ang plastik ng tinapay sa kamay niya. Thank you po, sabi ko bago ako maglakad papasok sa amin. Nararamdaman ko pa ang pagsunod ng titig niya sa akin.
Imposible namang linoloko lang niya ako. Tatlong linggo na pagkatapos ng break-up namin ni Denmark. Mabigat pa rin ang loob ko.
“Kadarating mo lang?” bungad sa akin ng lola ko.
“Opo.”
“Akala ko dumating ka na kanina.”
“Ha? Bakit po?” pagtataka ko.
“Parang me tao kasi sa kuwarto mo e. Me narinig akong kalabog kanina.”
“Baka daga lang yun.”
“Baka nga.”
Isang Sunday, nagsiesta ako sa kuwarto. May naramdaman akong tumapik sa braso ko. Sa lakas ng tapik, bigla akong nagising. Ako lang naman ang tao sa kuwarto. Mga one month na yun after ng break-up.
Matagal din akong nakaupo sa kama. Naalimpungatan. Kinukusot ko pa ang mata ko. Ayokong maapektuhan ng takot. Baka sa pagod lang yun. Matindi rin kasi ang emotional stress na pinagdaanan ko. Nang biglang tumunog ang cell phone ko. Malakas. Naiwan ko palang hindi naka-silent mode.
Si Denmark.
“Baby?”
Sinigurado ko kung siya nga yung nasa kabilang linya.
“Baby, tulungan mo ‘ko,” sabi niya.
“H-ha?”
Hindi ko alam kung tatawagin ko rin siyang baby o kung sasabihin ko ang pangalan niya.
“Tulungan mo ‘ko...”
Biglang naputol ang linya.
Come to think of it may pagka-weird na si Denmark mula noong huli kaming magkita sa mall. anong nangyari sa kanya? Naaksidente ba siya? ? Nag-attempt ba siya mag-suicide? Baka patay na si Denmark at multo na lang yung nakausap ko sa cell phone. Maraming mga kuwentong ganun. Kinilabutan ako.
Tinawagan ko siya sa landline.
“Bakit?” tanong ko sa kanya.
“H-ha?” tumagos sa oditibo ang pagtataka niya.
“Sabi ko ba’t ka tumawag.”
“Tumawag?”
Napika na ako. Puro tanong lang din ang sagot niya sa akin.
“Tumawag ka kanina sa cell phone. Humihingi ka ng tulong.”
“H-ha?” sagot niya ulit.
“Ba’t ba puro ka ha? Tumawag ka sa akin kanina sa cell phone. Humihingi ka ng tulong. Sabihin ko pa sa iyo kung anong oras.”
“Imposible,” sabi niya. “Ikaw nga ang tumawag sa akin e. Ipakita ko pa sa iyo ang cell phone ko.”
Inulit ko ulit sa utak ko ang nangyari. Nag-ring ang phone. Sinagot ko. Si Denmark. Tulungan mo ako, sabi niya. Baby, sabi niya. Tulungan mo ako. Ngayon sasabihin niyang ako ang tumawag sa kanya.
“Never mind,” sabi ko. Ibinaba ko ang telepono.
After a few seconds, nag-ring ang telepono. Nag-ring nang nag-ring. Hindi ko na ito sinagot.
Thursday, September 3, 2009
Sa Baguio
Ang ikukuwento ko ay ang nangyari sa akin sa apartment na tinitirhan ko sa Baguio.
Kilalang-kilala ang Baguio hindi lang dahil sa bakasyunan ito ng maraming tao kahit ng mga taga-probinsiya. Sikat din ito dahil sa mga lugar na pinamamahayan ng mga multo.
Nung nasa college pa lang ako gustong-gusto kong umakyat sa Baguio. Romantic kasi ang malamig na klima. Pero sa isip-isip ko gusto ko rin na puntahan ‘yung hotel doon na laging napi-feature sa TV tuwing Halloween dahil sa maraming multo.
Pagka-graduate ko nag-decide akong sa review center sa Baguio mag-aral para sa nursing board exam.
Tatlo ang mga rooms sa apartment na nire-rent namin sa Baguio pero dalawa lang kaming nakatira.
Isang gabi umuwi ako ng mga 8 p.m. sa apartment. Umaambon nang gabing iyon. Hindi ko inaasahan na sa gabing iyon ako makakaranas na multuhin.
Dahil dalawa lang kaming nakatira sa apartment, pinapatay namin ang ilaw sa sala para makatipid. Umuwi ako na inabutan kong madilim ang sala. Hindi pa umuuwi noon ang kasama ko sa apartment.
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, kinapa ko agad sa dilim ang switch para i-on ang ilaw. After that, sa peripheral vision ko, nakakita ako ng taong nakaupo sa sala. I ignored it kasi ayaw kong matakot. Baka namamalik-mata lang ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Nung malapit na ako sa kuwarto may nakita ako sa bakanteng kuwarto na kumakaway sa akin. So natakot na ako that time. What I did is umalis agad ako. Nakitulog ako sa friend ng friend ko na once ko lang na-meet kasi malapit sila sa apartment.
After that evening, dalawa kami ng boardmate ko sa kuwarto na nagko-computer. Iniwan naming bukas noon ang pinto. Nakaharap sa computer ang kasama ko. Ako naman kakatapos lang ng ginagawa ko.
Lalabas sana ako para magsipilyo pero natigilan ako kasi may nakita akong madaming taong naglalakad sa may pinto pero kaming dalawa lang talaga sa apartment. Napa-shit ako nun. Dali-dali akong nakitabi sa boardmate ko na nagko-computer.
Tinanong ako ng boardmate ko kung bakit ako napa-shit. Napalakas kasi ang boses ko sa takot. Wala, kako. Para wala na lang matakot sa amin. Pero pinipilit niya ako. Sabihin ko na raw kung bakit. Akala ko binibiro lang niya ako. Nakikipag-chat yata kasi siya noon.
Pinagpawisan na ako ng malamig at siya rin. Tapos ‘yun. Sinabi ko na nga sa kanya na may nakita ako tapos sinabi niya sa akin nakita din daw niya ‘yung mga nasa pinto.
Nung sinabi niya na nakita rin niya ayun nagmadali kami umalis. Tapos kinaumagahan na lang kami bumalik.
Minsan bumisita rin sa akin ‘yung classmate ko na nakuwento ko na sa kanila lahat. Itong classmate kong ito hindi ko alam may 3rd eye pala.
Umaktong parang normal lang ang classmate ko nung pumasok siya sa apartment. Sa kuwarto ko kami nag-usap.
Normal lang din ang napag-usapan namin. Kumustahan. Tungkol sa pamilya. Sa mga kaklase. Hanggang sa mapag-usapan namin ang tungkol sa mga nagpapakita sa bahay. Hindi ko na nga maalala na naikuwento ko pala sa kanya ‘yun.
Sinabi sa akin ng classmate ko na alam niya raw kung saang lugar ko nakita sa salas ‘yung naikuwento ko sa kanyang nagpakitang multo. Sa may malapit daw sa salamin. Totoo nga. Kinilabutan ako sa sinabi niya.
Sabi pa niya madami daw bata dun sa isang kuwarto na kuwarto ng boardmate ko. Natakot talaga ako nang sobra. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya kasi alam naman niya na dalawa lang kaming nakatira sa apartment.
Nagtatanung-tanong kami ng boardmate ko sa mga nakatira sa floor sa itaas at sinabi nga nila na madami rin daw nakakakita ng bata sa apartment namin. Nagtataka lang kami kasi bago pa ‘yung building . Pero nakuwento ng isang tao dun na may nagpa-abort daw na kakilala niya niya daw dun.
Hindi ko alam kung maniniwala ako na ‘yun ang dahilan ng mga pagmumulto. Pero marami pa akong mga nakita at naramdamang kakaiba sa apartment bukod dun.

Mga Bata sa Dorm
Isa akong nursing student. A year ago, lumipat kami ng residence. From north to south. Halos tatlong oras ang biyahe mula sa bago naming bahay papunta sa school. Nahulog nga ang katawan ko pagkatapos ng ilang linggo. Sabi ni mama, kesa antayin kong maging anemic ako, kumuha na lang ako ng dorm.
Nagkalat ang mga boarding house sa paligid ng school. Makakapag-canvas ka talaga ng lugar. Yun nga lang. Magtitiis ka sa mura kasi bukod sa inaanay na ang bahay, masisikip pa ang mga kuwarto.
Suwerte naman kasi yung kuya kong nasa Saudi ang nangakong magsusustento ng renta ko kaya yung bagong tayo na ang kinuha ko.
Tig-dalawa ang occupants per room. Apat ang kuwarto. May kuryente, tubig, at lutuan na rin. So okay na.
Bawal sa dorm ang mga bata.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapasok ng mga bata sa dorm, bilin ng may-ari. Isang matandang dalaga ang may-ari, si Aling Lydia. Ubanin na ang matanda. Tattoo ang mga kilay. At makapal ang lipstick kahit umagang-umaga. Lagi siyang may dalang pamaypay. Amoy beha siya kahit hindi naman siya Intsik.
*
Tuwing weekends umuuwi ako sa bahay namin. Tas bumabalik ako sa dorm tuwing Sunday ng hapon. Isang diretsong biyahe ng bus ang dorm mula sa bahay namin. South to north.
One time bumaba ako sa tapat ng mall. Isang jeep ang layo nun sa school namin. May kailangan kasi akong bilhin sa mall. Gamit sa project. Wala akong nakita na gusto kong bilhin kaya umalis din agad ako.
Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng jeep nang may mapansin akong batang sumusunod sa akin. ‘Yung normal na mukhang pulubi na bata. Marungis, payat. ‘Yung parang rugby lang lagi ang laman ng tiyan.
Sumuut-suot ako sa mga kariton ng mga nagtitinda ng goto, prutas, at lamang-loob. Pero nakabuntot pa rin sa akin ang bata. Nakakaasar na dahil hihingian lang ako ng barya neto, naisip ko.
Shempre hindi ko naman bibigyan.
Buti na lang at nakasakay na ako ng jeep. Marami nang pasaherong nakasakay kaya sandali lang at umandar na ang jeep.
Tiningnan ko sa labas ng bintana ang bata. Wala na siya. Buti naman. Napanatag ang loob ko. Baka may iba na siyang nakitang susundan.
*
Bumaba ako sa bukana ng eskinita papunta sa dorm. Sa isa pang kanto pagkalampas lang ng school ang dorm ko.
Nakakakilabot! Nakita ko ‘yung bata sa kabilang kalsada. Nakatingin sa akin.
Sa takot ko kumaripas ako ng takbo papunta sa dorm. Nataranta talaga ako at nanginginig pa pagkapasok ko ng bahay. Nakampante lang ako nang makita ko ang mga dormmates ko na mga classmates ko rin.
Natawa pa sila nang ikuwento ko na may sumunod sa aking batang yagit.
*
Kinagabihan habang nanunuod kami ng TV at nagre-review/gumagawa ng assignment sa sala, dumating si Aling Lydia, ang aming landlady.
Ugali na niya ang dire-diretsong pagsasalita. Rambol na ang mga sentences. Madalas nagkakabuhul-buhol na nga. “May gasul pa ba kayo? Kelangan na ata palitan ang antenna ng TV. Medyo malabo na ang reception. ‘Wag kayong mag-iwan ng nakabuyangyang na pagkain sa mesa. Lalapitan tayo ng mga ipis at daga rito. Pupunta ako bukas sa Divisoria. May papabili ba kayo?”
May takot din kami kay Aling Lydia kaya attentive din kami.
“Saka pala, Nicole,” harap niya sa akin, “nakauwi na ba ‘yang pinsan mo?”
Nagkatinginan kaming magkaka-dorm.
“’Yung kasama mong bata kanina pumasok dito. Alam mo naman ang bilin ko tungkol sa mga bata.”
“Wala naman pong kasama si Nicole pagdating niya,” salo ng classmate ko.
“Oo nga po.”
“Wala ba? O siya. Ilista n’yo na lang kung may pabibili kayo sa Divisoria.” Saka umalis na may palaisipan sa mukha si Aling Lydia.
*
Hindi ko maubos-maisip na isang multo ‘yung batang nakasunod sa akin nang araw na iyon. At hindi lang siya mag-isa. May kasama pa siyang mga kalaro.
Hindi ko alam kung gaano sila karami. Lima, sampu. Pero nakuwento ng isang dormmate ko, minsan, habang mag-isa lang siya sa kuwarto, may narinig siyang mga boses ng batang naglalaro sa sala. Shempre nagtataka siya dahil bawal ang bata sa dorm.
Minsan naman nagigising na lang kaming magulo ang mga gamit sa sala. Nakatagilid ang sala set. Bagsak ang mga silya ng kainan. Minsan may mawawalan ng gamit sa kuwarto. Minsan may biglang magbubukas ng TV sa kalagitnaan ng gabi.
Kinalaunan medyo nabawasan ang mga pagpaparamdam. Nabawasan na yata ang mga bata sa dorm. Pero may mga natira pang ilan.

Lola Choleng
Meron akong sikreto na konti lang sa mga kakilala ko ang nakakaalam. Meron akong 3rd eye. Marami na akong nakitang multo. Sa bahay namin, sa bahay ng mga kaklase ko. Minsan sa simbahan sa kapitolyo. Kahit sa turo-turo sa kanto malapit sa bahay namin.
Pero ang pinaka-hindi ko malilimutan ay ‘yung nagpakita ang multo ng lola ko sa akin. As in face to face.
Ako ang pinakapaboritong apo ni Lola Choleng. Hindi naman nakapagtataka kasi sa kanya ako lumaki.
Old age na ang ikinamatay ni lola. Sabay-sabay na kumplikasyon sa lungs at kidneys. Isinugod siya sa ospital pero, ayun, dun na siya binawian ng buhay. Makikita mo na rin sa mukha niya, sa katawan niya, na hapong-hapo na siya. Kaya kumbaga isinurrender na namin siya kay Lord.
Sa punerarya siya ibinurol. Nung 3rd day ng kamatayan niya nagpakita sa akin si lola.
Umaga, dumiretso ako sa punerarya galing sa work. Night shift kasi ako sa isang call center sa Libis. Nadatnan ko ang mom ko, ang mga kapatid ko, saka ang tita at uncle ko kasama ang mga anak nilang bata.
Siguro mga isang oras din akong nag-stay sa burol.
Nagpaalam na ako kina mommy na uuwi na ng bahay. Actually hindi naman ako pagod noon dahil sa puyat. Hindi rin ako gutom. Pero me pasok din kasi ako kinabukasan saka me gagawin pa ako kaya kelangan ko na talagang umuwi.
Bago umuwi, naisipan kong pumunta muna sa CR. Mga isa’t kalahating oras din kasi ang biyahe mula sa punerarya papunta sa bahay namin.
May dalawang urinals sa loob ng CR. Saka isang cubicle na may toilet bowl. Medyo masangsang ang bungad ng amoy ng CR pagkapasok ko. Mukhang madalang itong linisin. Pero ihing-ihi na ako noon kaya tiniis ko na lang.
Ipinatong ko sa tabi ng lababo ang dala kong bag at saka ako naghugas. Tatlong lababo ang nakahilera sa akin. Iyong dalawa walang tubig ang gripo. Ang gumagana lang ‘yung gripo sa dulo kaya sa dulo ako naghugas.
Pagkatapos kong maghugas nagsuklay ako ng buhok. Nakatingin ako sa buhok ko nang biglang bumukas ang pintuan nung cubicle. Kinilabutan ako noon dahil ako lang mag-isa sa loob ng CR, sobrang tahimik pa. Pero kinalma ko ang sarili ko. Sabi ko, baka hangin lang. Nagpatuloy akong magsuklay.
Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso. Sa gilid ng mata ko sinilip ko ‘yung kabilang dulo ng CR, dun sa mga urinals. Pagbalik ng mga mata ko bigla akong nasindak. Sa katapat kong salamin nakita kong nakatayo ang lola ko sa likuran ko.
Kumaripas ako ng takbo palabas ng CR. Nang may makita na akong mga tao—mga ibang nakikipaglamay sa ibang burol—nagbagal na ako ng lakad na parang walang nangyari.
Sinabi ko sa mom ko ang nangyari. Hindi sila makapaniwala. Sabi ko na lang uuwi na ako kasi biglang bumigat ang katawan ko noon. Para akong inaantok na hindi mo mawari.
After an hour, nagulat na lang ako. Nagtakbuhan pauwi ang mom at mga kapatid ko kasi nag-text daw ako na mamamaalam na sa kanila. Na-shocked ako kasi tulog ako all that time.
Ang paalam ko sa kanila uuwi ako. Nung nasa bahay na ako natulog lang ako. Pero may na-received daw silang text galing sa akin na parang mamamatay na ako at naghahabilin na sa kanila.
Nagtaka lang ako kasi wala akong load noon.
Hindi na ulit nagpakita sa akin si lola mula noong nangyari sa akin sa punerarya. Pero hanggang ngayon may mga nararamdaman pa rin akong mga kaluluwa sa paligid.

Banyo
Ilang gabi na rin akong ginagabi ng uwi sa bahay. Malapit na kasi ang exam nun. Gawaan na ng projects lalo na ng santambak na research papers.
Nagkikita-kita kami ng mga kaklase ko sa kanya-kanyang bahay. Minsan sa fastfood. Dun na rin kami nagre-review sa ino-occupy naming table sa sulok.
May dala-dala na akong susi ng bahay. Alas diyes pa lang kasi ng gabi tulog na silang lahat. Lights off na. Ganun ang nakaugalian sa bahay namin. Nadala na namin yun mula nang lumipat kami dito sa Manila galing sa probinsiya.
Isang gabi dumating ako ng bahay ng pasado alas onse na. Shempre alam kong tulog na silang lahat.
Madali lang buksan ang gate namin. Ilulusot ko lang ang braso ko sa butas ng design sa gilid ng pintuan ng gate tas kakalawitin ko lang yung lock. Konting kanti lang magbubukas na yun. Dapat sakto ang kamay mo.
Medyo madilim ang daan papunta sa pinto namin pero kabisado ko na kaya kaya ko nang kapain. Medyo malamig din nang gabing iyon. Tumayo nga ang balahibo ko nang hipuin ako ng lamig ng hangin.
Huminto ako sa tapat ng saradong pinto ng bahay. Bukas ang ilaw sa sala tulad ng dati. Iniiwan nila yung bukas kapag may gustong bumaba para magbanyo. Katabi lang kasi ng sala ang kusina kung saan naroon ang banyo.
Itinapat ko sa kaunting liwanag sa nakasaradong mga bintana ang bag ko. Kinapa ko ang loob. Wala ang susi. Patay. Naiwan ko yata sa kuwarto kaninang umaga.
Ilang minuto ko ring kinapa ang bag. Inilabas ko na nga ang mga gamit sa loob. Binuksan ko lahat ng bulsa. Pero wala ang susi.
Katukin ko na kaya sila mama? naisip ko. Sira kasi ang doorbell. Mabubulabog ang lahat ng tao sa bahay kapag kumatok ako nang malakas. Magigising silang lahat. Ibinalik ko sa bag ang mga gamit ko. Nakaasar. Nabasa pa ang binder ko. Basa pala sa tapat ng pintuan.
Inis na inis ako sa sarili ko dahil sa katangahan. Out of the blue inikot ko ang doorknob.
Biglang bumukas ang pinto.
Sino naman ang nakaiwang bukas ang pinto? Lagot. Malamang may masesermunan nito. Baka lumabas lang si daddy. O baka hindi pa rin nakakauwi si Tanya, ang nakababatang utol ko.
Blessing in disguise. Nakapasok ako ng bahay.
Walang tao sa sala. Kumikisap-kisap ang ilaw habang tumatawid ang isang butiki sa kisame.
Wala ring tao sa kusina.
Tulog na siguro sila lahat.
Bago ako dumiretso sa kuwarto tsinek ko muna sila. Tulog si Tanya sa kuwarto niya. Tulog na rin sina mommy at daddy. Sa loob ng kuwarto ko, naghubad agad ako ng uniform at nag-shorts. Kinuha ko ang tuwalya.
Bumaba ako sa sala. Dumaan ako sa kusina. Isinara ko ang pinto ng banyo, isinabit ko ang tuwalya sa sampayan, at saka nagsimulang magbuhos ng tubig.
Magtu-twelve na siguro. Ang lamig ng tubig. Napapapadyak ako sa ginaw.
Nagsasabon ako ng katawan nang biglang tumayo ang mga balahibo ko sa braso. Parang may sumisilip sa akin. Dahan-dahan akong tumingin sa maliit na bintana ng banyo. Anino lang ng mga dahon ng puno sa likod-bahay ang nakita ko. Pero may naramdaman talaga ako nakatingin sa akin.
Dali-dali akong nagbanlaw. Nagpupunas na ako ng tuwalya nang may marinig akong umupo sa couch sa sala. May nagising kaya sa kanila?
“Mommy?!” sabi ko. “Tanya?!” tawag ko.
Pero walang sumagot. Tahimik pa rin ang paligid.
Lumabas ako ng banyo.
Nagulat ako sa nakita ko.
Patay ang ilaw sa sala. Ba’t ganoon? Iniwan ko yung nakabukas bago ako maligo.
Pinigil ko na lang ang takot at binuksan ko ang ilaw. Sabi ko, baka may nagising at nakaramdam na asa bahay na ako.
Kinaumagahan, ikinuwento ko sa kanila ang nangyari. Sabi ni mommy, isinara raw ni Tanya ang pinto. Tsinek nga niya ulit kung naka-lock talaga bago sila umakyat sa kuwarto.
Saka walang bumangon para bumaba nang mga oras na iyon. Kung ganoon sino ang nagpatay ng ilaw sa sala? Baka raw ako.

Balete
Ang ghost experience ko nangyari sa school namin dati. Parochial school kasi ‘yun. Lumang-luma na talaga ang simbahan kaya marami nang ghost stories.
Mga alas singko na ‘yun ng hapon. Tapos na ang klase. Second year kami noon. Naghintayan kaming magkakabarkada. Kaming apat. Ako, si Ronald, si Paolo, at si Marlon. Tutuloy na kami sa tambayan namin sa isang karinderya sa tapat lang ng school sa kabilang kalsada.
“Ano’ng oras na?” tanong ni Ronald sa amin. Nakatingin na siya sa relo sa braso ni Paolo.
“5:30 na ‘dre,” sagot agad ni Marlon.
“5:25,” sagot naman ni Paolo. “Late ‘to ng ten minutes.”
Pareho pa rin silang hindi eksakto.
“Maaga pa pala,” sabi ni Ronald.
Tiningnan ko nang masama si Ronald. “Ano’ng maaga? Tingnan mo bukas na nga ang mga ilaw sa covered walk.”
“Sabagay.”
Nag-suggest si Ronald na dumaan kami sa lumang building ng kinder. Pang-umaga lang lahat ng klase sa kinder kaya mangilan-ngilan na lang ang mga tao roon.
“Long cut,” sabi ni Paolo.
Mapuno sa lugar ng lumang building. Nagkalat ang mga nahulog na tuyong dahon. Hindi pa siguro nakakapaglinis ang janitor. Pero anong oras na ‘yun? Nasaan na kaya siya?
Habang naglalakad bigla akong napatingin sa dating pinagkakatayuan ng puno ng balete.
Nakatingin din pala roon si Paolo. Nagkatinginan kami.
“’Dre...”
“Ano? Shit!”
Kumaripas kami ng takbo. Naiwan ang dalawa naming kaklase na hinabol kami.
Basang-basa kami sa pawis nang huminto kami sa pagtakbo malapit sa gate ng school.
“Nakita mo?” tanong agad sa akin ni Paolo.
“’Wag kayong ganyan!” sabi ni Ronald. Akala nilang dalawa ni Marlon nag-trip lang kaming maghabulan.
“Oo, nakita ko.”
“Ano’ng nakita n’yo?” usisa ng dalawa sa amin.
Pero kami ng kuwento ni Paolo. May nakita rin siyang isang taong nakabigti sa patay na sanga ng puno ng balete.
“Nakagapos ang mga kamay,” sabi ni Paolo.
“Nakatali sa likod,” dugtong ko.
“Nakita mo ‘yung mukha?”
“Nakayuko eh.”
“Oo nga. Nakayuko yata. Pero wala yatang mukha. Madilim.”
Madilim na rin kasi noon sa area.
Kakaiba pero hindi nakita ng dalawa naming kasama ang nakita namin ni Paolo. Kaya hindi sila makapaniwala.
Minsan sa klase napag-usapan na namin ang mga ghost stories sa school. Marami na rin pala ang nakaramdam ng kakaiba sa puno ng balete sa lumang building ng kinder. Kahit daw mga teachers na naiiwan doon. Kahit na tanghali.
Kaya siguro napagdesisyunan na patayin ang puno. Pinutol nila ang mga sanga ng puno. Pero naiwan ang katawan.
Sabi nila, may nagpapakita raw dati na matandang lalaki na nakatayo sa tabi ng puno ng balete. Nakasuot ng damit na pang-panahon ng Kastila. Minsan naman daw may naririnig silang hagikhik ng mga bata sa paligid ng puno.
Kinilabutan ako sa nangyari sa isang teacher sa kinder. Magtatanghali na raw noon. Habang nag-aayos daw siya ng gamit sa loob ng classroom may natanaw daw siya sa labas ng pintuan. Isang matandang babae na nakasuot ng damit noong unang panahon. Naglakad daw ito papunta sa direksyon ng puno ng balete. Pero dire-diretso itong naglakad at naglaho itong bigla. Parang pumasok sa puno.
Kahit nang putulin na ang mga sanga ng balete may nagpaparamdam pa rin. Para raw may boses ng matandang babae na umuungol.
Nakakita na rin ako nung sinasabi nila na orb. ‘Yung lumilipad na bolang apoy. Ang sabi nila, gumagalang kaluluwa raw ‘yun. Sa school din na ‘yun. Sa classroom naman.
Habang nagkaklase napatingin ako sa labas ng bintana. May nakita akong bolang apoy na pumasok sa siwang ng bintana. Papunta sa likuran ng classroom. Naramdaman kong namanhid ang mukha ko hanggang sa ulo ko. Parang pumipintig ang mga ugat sa ulo ko. Pati loob ng bibig ko namanhid din.
Hindi na ako lumingon sa likuran. Natakot kasi ako baka kung ano na makita ko o kung ano mangyari sa akin. Pero ako lang ang nakakita nung orb.

3 A.M.
Nangyari ang lahat ng mga nakakakatakot kong naranasan dito sa lumang bahay namin sa Gapan, Nueva Ecija.
Dito ako sa probinsiya ipinanganak, sa bahay ng mga lolo at lola ko. Dito rin nakatira ang mga tita ko at ang pamilya niya. Kahit sa Manila ako nag-grade school, nagbabakasyon kami dito sa probinsiya tuwing summer. Bago ako mag-Grade 6 bumalik kami dito para ipagpatuloy ang studies ko hanggang ngayon.
Hindi ko maipaliwanag pero tuwing 3 a.m. nagpaparamdam ang multo sa bahay. Isa siyang batang babae. Akala ko ako lang ang nakakakita sa kanya. Pati pala mga kasama ko sa bahay. Ganito ang nangyari:
Isang madaling-araw dati nagising ako. Mga 3 a.m. ‘yun, alam ko, kasi may malaki akong wall clock sa tapat ng higaan sa kuwarto ko.
Nang mga time na ‘yun nagising din pala ang mom ko. Binuksan niya ‘yung door ng room nila. Ako naman nagpunta sa kitchen para uminom ng tubig saka magbawas ng pantog.
Since kita mula sa place ng mom ko ‘yung door ng room ko, nakikita niya kapag lalabas o papasok ako sa room ko.
Nung last time na pumasok ako sa room ko, may bata raw na nag-stop muna sa tapat ng pinto ng mom ko tapos bigla na lang daw pumasok sa room ko.
Akala raw niya ‘yung sis ko yun. Pero pagtingin niya sa bed nila natutulog pa pala ang sis ko. Nung umaga na ikinuwento sa akin ng mom ko ‘yung nangyari.
Pero bago pa nangyari ‘yun, na-experience ko na sa room ko ‘yun. Same time, 3 a.m. din nun. May gumigising sa akin. Nakatalukbong sa akin ‘yung kumot hanggang sa mukha. ‘Yung cellphone ko nasa tabi lang ng ulo ko. Kaya nung may gumigising sa akin tiningnan ko mula fone ko kung what time na. 3 a.m. pa lang. Kaso nung tanggalin ko ‘yung kumot wala namang tao, saka naka-lock ‘yung pinto.
May time na nakita ko ‘yung bata. Gabi naman ‘yung time na ‘yun. Nag-toothbrush ako nun. May bigla na lang tumabi sa akin. Bata siya. Babae. Maitim saka mahaba ang buhok. Tumabi siya sa right side ng mga 2 seconds. Tapos umalis din. Nagulat ako kasi nung mga time na ‘yun mag-isa lang ako sa house dahil umalis ang mom ko at kapatid ko kasama ‘yung lola ko.
Sabi ng mom ko ‘yung bata raw na nakita niya maitim. Kaya sa tingin ko isa lang ‘yung nakikita namin.
Dalawang beses lang nagpakita ‘yung bata sa akin. ‘Yung isa pa nun naiwan ko nakabukas ang TV. Nakatulog kasi ako nun sa room ko. ‘Yung time naman na ‘yun nakahiga ako. Pagkagising ko may nakadungaw sa akin. Medyo freaky nga ‘yun kasi nung gumalaw ako ginawa nung bata sumuot siya sa ilalim ng bed ko. Tiningnan ko ‘yung bed ko, wala naman sa ilalim. Kaya nung time na ‘yun natulog ako nang nakabukas ang ilaw. Madaling-araw na ‘yun kasi wala na palabas sa TV. Puro static na saka born again. Hindi ko lang sure kung 3 a.am din ‘yun.
Hindi naman lumang-luma ‘yung house. Pero sabi kasi ng lola ko ‘yung place daw namin madami talaga naglipanang spirits sa paligid. Kasi ‘yung anak niyang bunso, ‘yung tita ko bale, nung 4 or 5 years old pa lang daw ‘yun may nakikita na mga kaluluwa dito sa bahay. May 3rd eye daw kasi ‘yung tita ko na ‘yun. Ako, nung umpisa natakot talaga ako. Lalo na nung nakadungaw sa akin ‘yung bata. Nakakatakot kasi maitim siya tapos di mo pa maaaninag nang mabuti ‘yung mukha niya.
Nung bata naman ako dati kasi nagbabakasyon lang kami dito sa Gapan. May mga nae-experience na akin nun. Akala ko nga di na ako makaka-experience ng ganun.
Siguro nga dahil probinsiya. ‘Yung na-experience ko naman noon, ‘yung babaeng nakaputi. Alam mo naman sa probinsiya nakahiwalay ang CR sa house di ba? Sa likod kasi ng CR may puno ng kamachile. Matandang puno na ‘yun na sobrang laki. Mga 6 p.m. siguro nun nung magpunta ako sa CR. Kumuha pa ako ng tubig sa poso nun.
Habang kumukuha ako ng tubig may nakita akong babae na parang naglalakad kaso iba ‘yung lakad niya. Parang dinadala lang ng hangin. Tapos nung natapat siya sa puno ng kamachile parang nag-fade na lang siya. Sa sobrang takot ko nga nagkulong ako dun sa CR tas nakaalis lang ako nung puntahan ako ng lola ko para i-check kung ano na nangyari at ang tagal ko nagbanyo. Ikinuwento ko sa lola ko ang nangyari. Sabi ba naman sa akin karaniwan na raw ‘yun dahil hindi lang sa kamachile may ganun.
Dati tuwing brownout sa probinsiya (madalas kasi brownout) nagkukuwento ang lola ko tungkol sa mga nakikita at nararamdaman nila. Hindi ko alam kung ba’t tuwing 3 a.m. nagpapakita ‘yung bata sa loob ng bahay. Pero sabi ng lola ko tuwing alas tres daw ng madaling-araw naglilitawan talaga ang mga lamang-lupa. Ayoko namang mabaliw sa takot.

Subscribe to:
Posts (Atom)