Nangyari ang lahat ng mga nakakakatakot kong naranasan dito sa lumang bahay namin sa Gapan, Nueva Ecija.
Dito ako sa probinsiya ipinanganak, sa bahay ng mga lolo at lola ko. Dito rin nakatira ang mga tita ko at ang pamilya niya. Kahit sa Manila ako nag-grade school, nagbabakasyon kami dito sa probinsiya tuwing summer. Bago ako mag-Grade 6 bumalik kami dito para ipagpatuloy ang studies ko hanggang ngayon.
Hindi ko maipaliwanag pero tuwing 3 a.m. nagpaparamdam ang multo sa bahay. Isa siyang batang babae. Akala ko ako lang ang nakakakita sa kanya. Pati pala mga kasama ko sa bahay. Ganito ang nangyari:
Isang madaling-araw dati nagising ako. Mga 3 a.m. ‘yun, alam ko, kasi may malaki akong wall clock sa tapat ng higaan sa kuwarto ko.
Nang mga time na ‘yun nagising din pala ang mom ko. Binuksan niya ‘yung door ng room nila. Ako naman nagpunta sa kitchen para uminom ng tubig saka magbawas ng pantog.
Since kita mula sa place ng mom ko ‘yung door ng room ko, nakikita niya kapag lalabas o papasok ako sa room ko.
Nung last time na pumasok ako sa room ko, may bata raw na nag-stop muna sa tapat ng pinto ng mom ko tapos bigla na lang daw pumasok sa room ko.
Akala raw niya ‘yung sis ko yun. Pero pagtingin niya sa bed nila natutulog pa pala ang sis ko. Nung umaga na ikinuwento sa akin ng mom ko ‘yung nangyari.
Pero bago pa nangyari ‘yun, na-experience ko na sa room ko ‘yun. Same time, 3 a.m. din nun. May gumigising sa akin. Nakatalukbong sa akin ‘yung kumot hanggang sa mukha. ‘Yung cellphone ko nasa tabi lang ng ulo ko. Kaya nung may gumigising sa akin tiningnan ko mula fone ko kung what time na. 3 a.m. pa lang. Kaso nung tanggalin ko ‘yung kumot wala namang tao, saka naka-lock ‘yung pinto.
May time na nakita ko ‘yung bata. Gabi naman ‘yung time na ‘yun. Nag-toothbrush ako nun. May bigla na lang tumabi sa akin. Bata siya. Babae. Maitim saka mahaba ang buhok. Tumabi siya sa right side ng mga 2 seconds. Tapos umalis din. Nagulat ako kasi nung mga time na ‘yun mag-isa lang ako sa house dahil umalis ang mom ko at kapatid ko kasama ‘yung lola ko.
Sabi ng mom ko ‘yung bata raw na nakita niya maitim. Kaya sa tingin ko isa lang ‘yung nakikita namin.
Dalawang beses lang nagpakita ‘yung bata sa akin. ‘Yung isa pa nun naiwan ko nakabukas ang TV. Nakatulog kasi ako nun sa room ko. ‘Yung time naman na ‘yun nakahiga ako. Pagkagising ko may nakadungaw sa akin. Medyo freaky nga ‘yun kasi nung gumalaw ako ginawa nung bata sumuot siya sa ilalim ng bed ko. Tiningnan ko ‘yung bed ko, wala naman sa ilalim. Kaya nung time na ‘yun natulog ako nang nakabukas ang ilaw. Madaling-araw na ‘yun kasi wala na palabas sa TV. Puro static na saka born again. Hindi ko lang sure kung 3 a.am din ‘yun.
Hindi naman lumang-luma ‘yung house. Pero sabi kasi ng lola ko ‘yung place daw namin madami talaga naglipanang spirits sa paligid. Kasi ‘yung anak niyang bunso, ‘yung tita ko bale, nung 4 or 5 years old pa lang daw ‘yun may nakikita na mga kaluluwa dito sa bahay. May 3rd eye daw kasi ‘yung tita ko na ‘yun. Ako, nung umpisa natakot talaga ako. Lalo na nung nakadungaw sa akin ‘yung bata. Nakakatakot kasi maitim siya tapos di mo pa maaaninag nang mabuti ‘yung mukha niya.
Nung bata naman ako dati kasi nagbabakasyon lang kami dito sa Gapan. May mga nae-experience na akin nun. Akala ko nga di na ako makaka-experience ng ganun.
Siguro nga dahil probinsiya. ‘Yung na-experience ko naman noon, ‘yung babaeng nakaputi. Alam mo naman sa probinsiya nakahiwalay ang CR sa house di ba? Sa likod kasi ng CR may puno ng kamachile. Matandang puno na ‘yun na sobrang laki. Mga 6 p.m. siguro nun nung magpunta ako sa CR. Kumuha pa ako ng tubig sa poso nun.
Habang kumukuha ako ng tubig may nakita akong babae na parang naglalakad kaso iba ‘yung lakad niya. Parang dinadala lang ng hangin. Tapos nung natapat siya sa puno ng kamachile parang nag-fade na lang siya. Sa sobrang takot ko nga nagkulong ako dun sa CR tas nakaalis lang ako nung puntahan ako ng lola ko para i-check kung ano na nangyari at ang tagal ko nagbanyo. Ikinuwento ko sa lola ko ang nangyari. Sabi ba naman sa akin karaniwan na raw ‘yun dahil hindi lang sa kamachile may ganun.
Dati tuwing brownout sa probinsiya (madalas kasi brownout) nagkukuwento ang lola ko tungkol sa mga nakikita at nararamdaman nila. Hindi ko alam kung ba’t tuwing 3 a.m. nagpapakita ‘yung bata sa loob ng bahay. Pero sabi ng lola ko tuwing alas tres daw ng madaling-araw naglilitawan talaga ang mga lamang-lupa. Ayoko namang mabaliw sa takot.
Thursday, September 3, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment