Monday, November 15, 2010

Parlor

The day I went there, that wasn’t the first day I had my haircut sa salon na iyon sa Monumento. I go there early in the morning. Mga 10AM. Yung ako ang buena manong customer nila. Which always turn out I’m not. Pero at least hindi na ako maghihintay ng matagal para maserbisyuhan. Saka hindi pa pagod ang mga kamay nila. Magandang reflex means magandang kalalabasan ng buhok ko.

That was a Monday. Pinagbuksan agad ako ng pinto ng guwardiya na walang firearm. I went straight ahead sa receptionist. Told her I will have a haircut and hair spa as well, the usual. I wrote down my name sa log. Waited for a few moments. Pagkatapos tinawag na ako ng hairdresser.

Yung tumawag sa akin, hindi siya ang regular hairdresser ko. I was somehow pissed off by this. Kabisado na niya kasi ang buhok ko. Pero hindi ko naisip na sign ito na may mangyayari. Something ominous. Something na hindi ko ine-expect na mangyari sa akin, sa salon, sa araw na iyon.

Itinuro ng hairdresser ang direksyon papunta sa wash area. Naroon na rin at naghihintay ang staff na nakatokang magsa-shampoo ng buhok ko. Binalabal niya sa akin ang isang puting tuwalya. Dahan-dahan akong nahiga sa makeshift na upuan para tumapat sa lababo at dutsa ang aking ulo. Naramdaman ko ang paglagaslas ng tubig sa ulo ko nang itapat niya ang dutsa.

Kaunting tubig lang ang lumalabas.

“Jelly, tubig!” sigaw ng staff.

Naghintay siya ng ilang sandali pero ganoon pa rin.

“Wait lang po,” paalam ng staff. Baka raw me gumagamit ng tubig sa CR. Lumabas siya ng wash area.

Dahil may shampoo na ang buhok ko, nanatili akong nakahiga sa upuan, nakapikit at naghihintay sa pagbabalik ng staff.

Nagkaroon ako ng chance para pakiramdaman ang paligid. Sobrang tahimik pala sa loob ng wash area, pagtataka ko. Hindi ko man lang marinig ang usapan sa labas. Antagal namang bumalik ng staff. Sinubukan kong mag-relax.

Biglang may kung anong pumasok sa tainga ko. Parang me bumulong. Pero hindi bulong. Parang daliri na pumasok sa tainga ko. Malamig na daliri. Kinilig ako sa gulat at lamig.

Pagdilat ko nag-iisa pa rin ako sa wash area. Hinipo ko ang tainga ko. Baka me pumasok lang na tubig. O baka buhok ko lang iyon. Sinubukan kong ipasok sa tainga ko ang sarili kong darili, gayahin ‘yung nangyari. Same feeling. May pumasok ngang daliri sa tainga ko. Pero sino ang gumawa noon? Hindi pa naman bumabalik ang staff at ako lang ang tao sa room.

Pagbalik ng staff, tinanong ko agad siya. Kung may ibang pumasok sa wash area.

Wala naman daw. “Bakit po?” usisa niya, ‘yung mukha niya ‘yung tipong alam na ang sagot e itatanong pa. “May ano po ba?”

Hindi niya sinabi kung anong “ano” ‘yun. May ano. Fill in the blanks. Gusto niya ako ang sasagot.

“Wala naman,” kibit-balikat ko.

“May naramdaman po ba kayo?”

“Ha?” sabi ko.

“May nagparamdam po ba sa inyo?”

This time ako na ang naghihintay ng sagot sa kanya. “Ano’ng nagparamdam?”

“May nagpaparamdam po kasi rito…”

“Dito sa wash area?”

“Opo.”

“Multo?”

“Bata raw po. Me mga nakakakita.”

Saka ko ikinuwento sa kanya ang nangyari sa akin earlier.

Anak daw ng dating may-ari ng bahay ang batang nagmumulto. Two-storeys kasi ang parlor. Sa 2nd floor, na ngayon ay ginawa nang massage area, nakatira dati ang may-ari ng bahay. Nang mamatay ang anak niya sa sakit, ibinenta na ang house sa current owner ng parlor.

Ilang months na ako nagpapagupit doon pero ngayon ko lang ito nabalitaan. Pero hindi naman ako na-shatter ng ghost experience ko. Doon pa rin ako sa parlor na iyon nagpapagupit. At least aware na ako na may multo ng batang pagala-gala sa parlor.

No comments: