To most people, work of fiction ang mga ghost stories. Hindi na lang ito basta figment ng imagination. Manifestation din ito ng mass hysteria.
I just tell my stories. But I am not insisting that you believe me. Some things happen in this world that we can’t explain dahil wala tayong sapat na resources.
Isang araw, naabutan kong online sa instant messenger si Mama Jen. Batchmate ko siya sa call center sa Makati where I worked before. Siyempre umaatikabong kumustahan ang naganap.
Nabanggit ko sa kanya na nagsa-sideline akong magsulat ng mga ghost stories.
“True stories ba sinusulat mo?” usisa niya.
I told her, yes.
“Maniniwala ka?” biro ko sa kanya.
“Hindi,” sagot niya.
I made it clear to her na hindi rin ako naniniwala. Na nagri-research din ako at nagtatanong sa mga kakilala. At kapag may encounter ako, hindi ako natatakot. So mahina na imagination ko lang ang mga iyon. Kaya bukas ako sa ganitong usapin.
Bigla kong naikuwento kay Mama Jen ‘yung nangyari sa akin sa isang motel a month ago lang.
Nagbiyahe ako sa isang province south of Manila. May sinadya akong tao para sa research ko.
Nag-stay kami overnight sa isang sikat na motel doon na located malapit sa isang malaking grocery at statue ng manok.
Isang room sa third floor ang ibinigay sa amin. Halos katapat lang ng elevator ang kuwarto. Nilibot ko ang buong floor at walang tao sa corridor maliban sa isang empleyado na naglalabas ng mga gamit na bed sheet sa mga bakanteng kuwarto.
Madaling-araw na noon nang mag-decide kami ng kasama ko na mag-lights off. Magkaibigan kami kaya okey lang na magkatabi kami sa kama.
Mga ilang minuto lang na nag-iinin kami sa dilim ng kuwarto, may narinig akong umuungol. Inisip ko na baka may tao lang sa labas dahil nga malapit sa amin ang elevator. Nagtaka na lang ako. Palakas nang palakas ang daing at naging hagulgol ng isang babae.
Initially, naghanap ng rational explanation ang utak ko. Siguro may babaeng nag-ookupa sa kabilang kuwarto. Siguro nag-stay in siya. Siguro namatayan siya kaya siya umiiyak.
Pero solid na solid ang hagulgol. At pareho ng level of resonance naming dalawa kung mag-uusap kami ng kasama ko. Wala ring echo ang tunog kaya imposibleng galing ito sa corridor sa labas.
Tahimik lang ang katabi ko sa kama. Mas matanda ako ng ilang years sa kanya, at dahil alam niyang writer ako ng mga ghost stories, ako na ang nag-initiate.
“Naririnig mo ‘yun?” tanong ko sa kanya.
“Oo,” sagot niya.
Mga ilang minuto pang nangibabaw ang hagulgol ng babae sa katahimikan ng kuwarto namin.
Hindi na rin nakatiis ang kasama ko at sinabi niyang natatakot siya. Sabi ko sa kanya, sa labas lang. Pero sa loob-loob ko, sabi ko, mukhang minumulto nga talaga kami.
“OMG. Huwaaaaaaaaaaaaa..” reply ni Mama Jen.
“Alangan namang lumabas kami ng room,” sabi ko sa kanya.
“Sementeryo ‘yun dati e. Bigla na lang nilang itinayo ‘yung motel. Hindi man lang inabisuhan agad ‘yung mga kamag-anak na ililipat ang buto ng mga patay nila.”
Kinilabutan ako sa sinabi ni Mama Jen.
“May nagyayaya sa ‘kin d’yan. Hindi ako sumama talaga.
“Buti hindi iba yung mukhang nakikita mo pag dumidilat ka.”
“Sh*t naniniwala nko sa multo sa motel!!” reply ko sa kanya.
“Lammo ba namulto na rin kame ni Kiko sa motel,” banggit niya. “Lammo ba ‘yung motel sa may L-----? V--- ba ‘yun? Me mga multo pala dun.”
Hindi ako pamilyar sa lugar na sinabi niya.
“Lagi naman kame dun dati pero one time dun kame nilagay sa mejo malayong part.
“E ang style dun parang mga apartment. Tapos dun kame sa ibaba na room.
“E di ba usually three doors ang papasukan mo bago ka makapasok talaga sa room.”
Naalala ko may ganoon na pala akong napuntahan dati. Receiving area yata ang tawag doon.
“Pagpasok mo ng first door tapat siya ng hagdan tapos sa left ‘yung second door na nung nandun na kame naligo muna ako tapos may naririnig din akong umiiyak.
“Maraming babae,” pagpapatuloy ni Mama Jen. “Iniisip ko nga baka may nire-raid dun. Natakot naman ako kaya lang h*rny na ako kaya hindi ko na pinansin.”
Tawanan kaming dalawa.
“Tapos noong nasa ibabaw na kame ng kama ni Kiko may naririnig kami na tumatakbo sa hagdan saka sa ‘taas.
“Kasi para nga siyang apartment kaya tatlo ‘yung doors. Tapos takbo lang sila nang takbo dun. Nakakabulahaw. Kainis!
Um-order daw ng food sina Mama Jen.
“Maya-maya may narinig kameng kumatok pero kumatok sya dun sa pinaka-door na ng room namen.
“Dalawang katok lang.
“Hindi namin binuksan.”
Binanggit ko kay Mama Jen na kapag wala ako sa bahay (night shift ako), may naririnig din ang mga utol ko na kumakatok galing sa loob ng kuwarto ko. Minsan may naririnig silang mga yabag, parang may naglalakad sa loob.
“Tapos ayun na,” sabi niya, “e di ba um-order nga kame. E ang tagal-tagal nung order.
“Maya-maya tumawag na ‘yung nasa admin. Sabe bakit daw namin isinara ‘yung first door, hindi raw sila makapag-deliver. ‘Yung first door; ‘yung tapat ng stairs.
“’Yun pala wala talagang tao dun sa apartment na ‘yun. Kame lang ni Kiko.”
Napakapit daw siya kay Kiko noong sabihin nito sa kanya ang sinabi ng admin.
“Paglabas ni Kiko, tiningnan niya ‘yung stairs. Ang dilim-dilim! Wala pang nag-o-occupy sa itaas.”
Kinilabutan siya talaga.
“Ay, eto pa pala. Nung naliligo si Kiko pagdating namin, naiwan ako sa bed. Tapos sa tapat ng bathroom door, ‘yung salamin, may nakita akong babae. Hindi ko talaga lang pinansin pero noon palang naliligo rin si Kiko may naririnig din siyang mga babaeng umiiyak!”
Sa totoo lang, natatawa pa ako sa umpisa kapag ikinukuwento ko sa mga kaibigan ko ang nangyari sa akin sa motel sa south. Pero pinanindigan talaga ako ng balahibo sa sinabi ni Mama Jen sa akin.
Thursday, December 27, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment