When I was in highschool, I had a recurring dream. Tumatakbo raw ako sa isang mabatong field. Masyadong madilim. Wala akong makitang kahit na anong source of light sa harapan ko. Pero when I tried to look down kung saan ako tumatakbo, parang may flashlight na nakatutok sa dinadaanan ko.
I remember I was wearing white stilletos pero nararamdaman ko sa talampakan ko ‘yung galas ng tinatakbuhan ko. Parang nilalaslas ng mga mapupurol na bato ang mga paa ko pero, at the same time, I felt numbed. I also remember ‘yung suot ko. I surmised naka-wedding gown ako kasi kumikislap ‘yung mga sequence at lace habang nagmu-move forward ang bawat binti ko.
Huminto ang dream when I went to college. I thought my subconscious was just telling me something kasi the dreams started around the time na na-confirm namin ng Mom ko na nambababae si dad. When we followed him isang Sunday na nagpaalam siya na may lakad siya kasama ang business partner niya.
Na-retain sa isip ko ‘yung mukha nung girl nang harapin siya ni Mom. Tiklop-labi lang yung babae ni dad habang nagtatatalak si Mom sa harap nilang dalawa. It seemed na na-trap siya sa relasyon at helpless din siya sa sitwasyon.
Bumalik ang panaginip na iyon noong sagutin ko si Will. I was in 3rd year college. Will was my first boyfriend. I admit I trusted him too much. After a few months, nalaman ko na lang na buntis ako.
Siguro naghalu-halo na yung pressure ng early pregnancy, na out of wedlock ito, at kung ano ang mangyayari sa future ko lalo na sa studies ko kaya bumalik ‘yung dream. Hindi pumayag si Mom na ipakasal ako kay Will. Si Dad naman okay lang daw. Ayusin na lang daw namin ang wedding after ko manganak.
Masyadong naging mabilis ang pangyayari. Noong 8th month ng pregnancy cycle ko, we discovered na mahina ang kapit ng bata. Regular naman kasi ang inom ko ng mga vitamins. Maybe it was the fear that was eating me since highschool.
Nagpa-check kami sa private hospital na iyon sa Manila at nag-advise ang doktor na i-admit ako agad para isailalim sa observation.
My Mom decided na ilipat ako sa government hospital. Pero hindi pumayag ang ospital. Sabi nila, kinausap daw ng admin ng ospital kung saan ako na-admit ang admin ng government hospital kung saan ako dapat ililipat, at sabi ng una, okay na raw na mag-stay ako muna.
After 4 days, sinabi na lang nila na wala nang heartbeat ang baby sa tiyan ko. I don’t know. May ibinigay yata sa aking medicine na hindi nakayanan ng baby. Hindi rin siya pumayag na operahan ako agad para tanggalin ang baby. Gusto nila by natural method daw. Mas mahal daw kasi kung caesarean section ilalabas ang bata.
That night, I slept with a dead baby on my stomach. Napanaginipan ko na naman na tumatakbo ako wearing the same white dress, wearing the same shoes. Kinilabutan ako. Napansin kong may tumutulong likido sa white dress na suot ko. Dugo! May tumutulong dugo.
Bigla akong nagising. Lalo akong pinanindigan ng balahibo. Patay ang ilaw sa ward. At parang ako lang mag-isa ang naroon. Inisip ko na lang na tulog lahat ng mga pasyente sa mga katabi kong kama pero sinasabi rin ng isip ko na imposibleng walang tao sa area na iyon.
Dahan-dahan akong bumangon. Para bang may nakadagan sa katawan ko. Tinanaw ko labas ng malaking pintuan. Pader lang ang nakita ko at kaunting liwanag. Sobrang tahimik ng silid na iyon.
Ramdam na ramdam ko talaga ang kabog ng dibdib ko habang nag-aabang ng kung ano sa pintuan. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.
Nang may makita akong aninong kumilos mula sa kaunting liwanag. Palaki nang palaki ang anino. Ilang sandali pa, sumilip ang isang babaeng naka-uniform ng nurse.
Inisip ko na naka-duty ang nurse na iyon nang gabing iyon. Maliit lang siya. Medyo balingkinitan. Naaninag ko lang sa konting liwanag ang suot niyang uniform. Nakapagtataka lang dahil nanatili siyang nakatayo sa tapat ng pintuan na parang may sinisilip sa ward. Tatawagin ko sana siya at tatanungin kung bakit nakapatay ang ilaw. At kung nasaan ang ibang tao. Pero bigla siyang nawala.
Nahiga ako ulit sa sobrang sakit ng katawan ko. Sa dilim, tinitigan ko ang tiyan ko, ang patay na baby sa tiyan ko. Hindi kami agad nagpa-ultrasound ni Will kaya nalaman lang namin sa huling check-up namin sa doktor na babae pala baby.
Madali rin akong nakatulog. Nanaginip ako ulit. I was running, running again from something or someone I don’t know. Nang biglang may narinig akong boses. “Mercy,” bulong niya. “Mercy…” Sobrang soft ng voice na parang sipol lang siya ng hangin.
Habang tumatakbo ako, palakas nang palakas ‘yung boses. “Mercy… Mercy…” Sigurado kong iyon ang pangalang lumabas sa panaginip ko. Natandaan ko talaga siya.
Umaga na nang magising ako. I was prepped for an operation. Tinanggal na ang patay na baby sa tiyan ko.
Bago ako ilabas ng ospital, napansin ko iyong isang area sa Outpatient. Memory Box ang nakasulat. Kasama ko noon si Will and I asked him na ilapit ako sa area. Isang box ang inilagay nila roon. Pagsilip ko sa loob ng box, marami akong nakitang mga bagay. Mga stuffed toys, laruan ng bata, baby clothes, at kung anu-ano pa.
Isang nurse ang nag-explain sa akin na ang memory box pala ay isang lagayan ng memorabilia ng mga buntis na namatayan ng baby bago sila manganak. Way ito para makapag-cope up sila at ang pamilya nila sa incidences ng still birth.
Nagulat din ako dahil sa isa pang sinabi ng nurse. Isang dating nurse daw na nagnangalang Mercy Pascual ang nakaisip maglagay ng memory box sa ospital. Pero na-install lang ito after a few days na mamatay si Mercy sa isang car accident.
Is it possible na siya ang nurse na nakita kong nakatayo sa tapat ng pintuan noong gabing magising ako na madilim at walang katau-tao sa ward? Baka sinusundo niya noon ang patay na baby sa tiyan ko. O baka kino-console ako na ayos lang mawalan ng anak at nangangako siya na siya ang mag-aalaga sa baby na hindi ko nakayanang ilabas nang buhay.
Thursday, December 27, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment